Hera Nyx Taevas Nagising ako na masarap ang tulog ni Aleric sa aking tabi. Hindi ko na siya ginising at dahan-dahan na umalis sa kaniyang tabi. Paglabas ng kwarto ay bumaba ako sa sala at nakita ko si Daddy na naka-upo sa sofa. Nanonood ng telebisyon. Agaw atensyon naman ang pinapanood dahil iyon ang nangyari kanina sa airline. Ini-interview ang hostage taker kanina. Humahagulgol siya sa iyak habang nagsasalita. “Hindi ko po intensyon na makasakit ng ibang tao. Wala na po kasi akong maisip na paraan para makauwi. Kasi po alam ko na kung nahuli ako ng pulis sa Maynila ay mahihirapan ang aking pamilya. Maaaring hindi ko sila makita kaagad.” Nagpahid ng luha ang lalaki. “Sorry! Sorry po talaga sa lahat ng mga taong natakot ko. Lalo na po sa piloto na hinostage ko.” Humagulgol lalo siya, “