Hao Residence “Daddy, nakita ko si Captain sa news. Is she okay?” tanong ni Hersey sa ama. “Can I visit her Daddy?” Sumubo ng isang kutsara at nang malunok ang kinakain ay muli siyang nagsalita. “I miss her.” Nasa isang hapag kainan ang lahat at kumakain ng kanilang almusal. Dahil sa bungad ni Hersey na salita ay nawala na naman sa mood ang mag-inang Naomi at Aimee. Sinusubukan nilang magtimpi dahil kaharap si Marvin. Hinimas ni Marvin ang buhok ng anak at masayang kinausap. “She’s fine, anak. Hayaan mo at tatawagan ko siya para tanungin kung kailan kayo pwede magkita.” “Thank you, Daddy!” Masiglang sagot ni Hersey sa ama. “Hahayaan mo na naman makasama ng babaeng iyon ang anak natin?” Singhal ni Naomi. “Tatawagan? E ‘di ba pinuntahan mo na siya sa bahay nila?” Napangiwi siya. “Hang