Hera Nyx Taevas “Nag-enjoy ba kayo?” tanong ko sa kanila. Naglalakad na kami palabas ng mall para umuwi. “Sobra, Ate!” sagot ni Cassie. Kung kanina ay naiilang at nahihiya pa siya, ngayon nakayakap na rin sa akin. “Thank you, kasi new edition ito game sa ps4. Lalaruin namin ito ni Nigel pag-uwi ko.” “Ate Captain, bukas ulit?” tanong ni Hersey. Nagtawanan kaming dalawa ni Cassie. “Next time!” sagot ko sa dalawa. “Kapag free si Ate, pupuntahan ko na lang kayo at isu-surprise.” Hinatid ko lang sila sa parking lot. “Thank you,” batid ni Cassie at iwinagayway ang kamay. Tinugunan ko naman iyon at masaya silang pinagmasdan palayo sa akin. Nang makaalis sila ay tumawag naman ako ng taxi pauwi sa condo. ‘Kanina pa tawag ng tawag si Zeus.’ Imbes na dumiretso sa unit niya gaya ng bilin ka