Marcet Residence “Are you serious?” gulat na tanong ni Mommy. Ngumiti ako, “Yes, Mommy! We’re living together,” pagbabalita ko. “It’s a one-sided decision of mine, pero napapayag ko naman siya.” Huminga ako at seryosong tumingin, “Parang sasabog ang puso ko kapag hindi ko siya kasama. Alam mo iyong sakit nang iwan niya ako? Iyon palagi ang naalala ko. Then, naulit iyon nang ma-hostage siya.” Hinawakan ko ang kamay niya, “I don’t want to lose her. I really can’t!” Bumuntong hininga si Mommy at hinaplos ang aking mukha. “Wala akong tutol sa desisyon niyong dalawa. I will support and stay behind your back. If you love her? Then, express it to her. Araw-araw mong iparamdam sa kaniya ang pagmamahal mo.” Hinawi ni Mommy ang buhok ko pataas. “You are really in love, don’t you? That is the bes