Hera Nyx Taevas Nakakapit ako sa braso ni Aleric at hindi tinatanggal iyon. ‘Ang kaba na nararamdaman ko ngayon ay daig pa noong nag training ako bilang skydiver.’ “Relax!” Sambit ni Aleric. “Ramdam ko pinagpapawisan na iyang mga palad mo,” tawa niyang dugtong na sabi. “Hindi ko mapigilan kabahan,” bulong ko. Tinapik-tapik niya ang aking braso at hindi nawala ang ngiti sa kaniyang labi. Isang hakbang na lang ay nasa loob na kami ng bahay. Pero naramdaman ko na bumigat ang aking paa at nagdadalawang isip na humakbang. “Nik-Nik!” Narinig kong tawag sa akin ng isang babae. Nang magawi ang tingin ko sa kaniya ay si Tita Eunice pala iyon. Bukas ang dalawang bisig habang naglalakad papunta sa aking kinatatayuan. Bumitaw ako kay Aleric at tinugunan ang yakap niya. “I’m always looking forw