Hera Nyx Taevas Nakahiga si Cassie sa bisig ko habang ako naman ay nakayakap sa kaniya. Gumaan ang pakiramdam ko dahil nalaman kong safe na siya. Pero may guilt pa rin sa puso ko kasi matagal siyang kailangan magpagaling para maiwasan ang mga complications. “Ate, thank you for taking care of me!” bulong niya. “No! Ako dapat ang magpasalamat sa iyo dahil iniligtas mo ako.” Umangat ang tingin niya sa akin. “Huwag na huwag mo ng uulitin ang ginawa mo? Mahalaga ang buhay mo kaysa kanino ‘man.” Ngumiti siya, “Hindi rin kaya ng konsensya ko na pabayaan ka na lang. Sa sandaling nakilala at nakasama kita, naramdaman ko na totoo ang pagmamahal at pagpapahalaga mo sa amin ni Hersey. Kapag may nangyari sa iyo, tiyak na si Hersey ang unang masasaktan. At ayoko mangyari iyon.” “Kahit pa! Pangako