Hao Family Mula sa ICU ay inilipat na si Cassie sa private room dahil sa stable niyang kalagayan. Madalas na ang mag-inang Naomi at Aimee ang nagbabantay sa kaniya. Si Marvin naman ay araw-araw siyang binibisita sa hospital bago at pagkatapos ng trabaho. “Daddy, gusto ko ng lumabas. Mas lalo lang po akong manghihina rito sa hospital.” Complained ni Cassie sa ama. “Anak, huwag matigas ang ulo. Major operation ang ginawa sa iyo. Look, mas safe ka rito sa ospital. I don’t care kung ilang linggo o ilang buwan ka mamalagi rito. As long as maging fully recovered ka.” Nagmamaktol si Cassie. Pero alam niyang hindi masusunod ang gusto niya. “Dad, si Ate Hera? Wala ba siyang balak na bisitahin ako?” She asked bitterly. “After what I did, will she abandon me like this?” Masakit kay Cassie na sab