Chapter 47

3422 Words

Aleric Zeus Marcet Bago umalis ay nagluto na ako ng pagkain ni Hera dahil siguradong gutom siya paggising mamaya. Mahimbing pa rin ang tulog niya kaya hindi ko na ginising. Hinalikan ko na lang siya sa noo at umalis. Habang nagmamaneho papunta sa bahay ay walang tigil ang buga ko ng hininga. Mula kagabi ay hindi na ako nakatulog ng maayos dahil sa sobrang pag-iisip tungkol sa sasabihin ni Daddy. Kahit anong dahilan ang pumapasok sa aking utak ay napaka-imposible pa rin mangyari ng mga iyon lalo pa at involve si Devon. “Si Daddy?” tanong ko sa aming kasambahay ng makarating sa bahay. Siya kaagad ang hinanap ko. “Oh, anak!” Gulat na sambit ni Mommy ng makita ako. Nilapitan niya ako kaagad upang halikan at hagkan. “Bakit ang aga mo atang nandito? Kasama mo ba si Nik-Nik?” Umiling ako. “

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD