Fernando Lao Paglabas ko ng eroplano ay sinalubong na ako ng ilang mga tauhan ko. Nakatayo sila at nagbabantay sa buong paligid ng eroplano. Hindi ako kaagad bumaba at nanatili sa aking kinatatayuan. Nilanghap ko ang hangin. Napapikit ako ng napangisi. Ilang sandali rin ako sa ganoong posisyon bago bumaba ng hagdanan. “Boss,” bati sa akin ng isang lalaking matipuno at matanggap. Isa siya sa pinagkakatiwalaan kong tauhan. “Clayde,” sambit ko sa kaniyang pangalan. “Handa na ba ang lahat?” tanong ko. “Opo, Boss! Inayos ko na po ang lahat base sa utos niyo.” Madiin niyang sagot. Inabot niya sa akin ang isang black folder, “Nariyan po lahat ang mga latest update ng ating mga tauhan sa kanilang pagmamatyag.” Tinapik ko siya sa likuran at nginitian. Hindi ko kinuha ang folder na inabot niya a