Hera Nyx Taevas “Kailan ka ba bibisita dito?” tanong ni Mama. Ka-video call ko siya ngayon habang nag-aalmusal kaming dalawa ni Aleric. Opposite seat kami kaya hindi siya nakikita ni Mama. Nakikinig lang siya sa pinag-uusapan namin. “Hera! Tinuturing mo pa ba akong nanay? Nakakalimot ka na naman, ah!” “Ma, ang exaggerated mo na naman magsalita. Busy ako dahil malapit na ang annual at proficiency check.” Inirapan niya ako. “‘Sus! Gumawa ka na naman ng dahilan. Ah basta, hihintayin kita ngayong linggo!” giit niya. “Kumain ka ng kumain at mukhang nangangayayat ka na naman.” Paalala niya. Pagpatay ko ng video call ay napunta ang tingin ko kay Aleric. “Paano naman kasi may lalaki ditong gabi-gabing nangungulit,” saad ko. I sighed. “Hindi talaga magandang idea na nagsama pa tayong dalawa,”