Aleric Zeus Marcet Nakaramdam ako ng awa ng makita siya sa isang sulok at nakaupong mag-isa. Ang kaniyang uniporme na suot ay puno ng bahid ng dugo. Nakayuko siya at halatang umiiyak dahil sa kaniyang balikat. Nakita ko si Tita Naomi at Tito Marvin pero dinaanan ko lang sila. “Hera,” mahinang tawag ko sa kaniyang pangalan ng makalapit sa kaniyang kinauupuan. Tumayo ako sa kaniyang harapan. Hindi siya nagsalita. ‘Ni tingin ay hindi niya ako tinapunan. Ngunit ang kaniyang dalawang kamay ay humawak sa aking coat. Ramdam ko na kinuyom niya iyon ng mahigpit. Sinubsob niya rin ang kaniyang mukha sa kaniyang mga kamay. Hinaplos ko ang kaniyang likuran. Gusto kong magsalita pero walang tugmang salita na posibleng makapagpagaan ng kaniyang nararamdaman. “Ang kapal ng mukha niyong dalawa na di