Hera Nyx Taevas Kahit anong gawin ko ay lutang ang isip ko. Hanggang ngayon ay si Cassie ang laman ng isip ko. From time to time ay tinatawagan naman ako ni Daddy tungkol sa kalagayan ni Cassie. Kahit gusto niya akong papuntahin ay iniiwasan niyang awayin na naman ako ng mag-ina. Bantay sarado kasi si Cassie sa dalawa. Minabuti ko na lang din pakinggan siya at hindi na pinilit ang aking gusto. Ayoko ng makadagdag pa sa problema ni Daddy. Lalong ayokong ma-stress si Cassie o makita siyang nag-aaway kami ni Aimee at Tita Naomi. “Honey.” Mahinang tawag sa akin ni Aleric. Nasa likuran ko siya at minamasahe ang aking likuran. “It’s already ten, hindi ka pa ba matutulog?” tanong niya. “Come on, let’s take a rest. Tomorrow will be fine.” Hinawakan ko ang kaniyang kamay sa aking balikat at hin