Hera Nyx Taevas “Lasing ka na naman?” tanong ko sa kaniya ng maamoy ko siya. “Hindi naman lasing. Uminom lang naman kami ng kaunti ni Devon.” Hinalikan niya ako sa pisngi. “Sorry for keeping you waiting.” Huminga ako ng malalim at hindi na sumagot. Kinabukasan ay gano’n na naman. Ihahatid niya lang ako pauwi at aalis na siya. “Aleric…” tawag ko sa kaniya. Tinitigan ko pa siya ng matagal. “Yes, honey?” tanong niyang tugon. Umiling lang ako. “Huwag ka na masyadong uminom. Umuwi ka ng maaga. Hindi healthy ang ginagawa mo gabi-gabi,” paalala ko. “I will, honey!” Sagot niya at hinalikan ko. “Ayaw mo bang sumama?” tanong niya. Like the past few days ay tinatanggihan ko siya. “Okay! Hindi na kita pipilitin.I love you,” sabi niya. “I love you!” Kinuha ko ang susi at dire-diretsong pu