Hera Nyx Taevas
‘Ladies and gentlemen, good afternoon. Welcome on board MA50123. This is Captain Hera Taevas speaking and I have some information about our flight. Our flight time today will be 3 hours and 45 minutes. Our estimated time of arrival in Singapore is (GMT+8) 15:45. The weather on our route is good. The temperature at our destination is now 28.30 degrees Celsius, with clear sky. We wish you a pleasant flight and we hope to see you again soon. On behalf of all our crew, thank you for choosing our company as your airline today.’
“Nice…” rinig kong usal niya.
Nag tengang-kawali ako at hindi siya pinapansin.
“How long have you been working as a captain?” sunod niyang tanong.
Hindi ko pa rin siya pinapansin.
“Captain, hindi naman masamang mag chit-chat. Ikaw rin baka mapanis naman ang laway mo,” puna niya. Narinig ko pa siyang huminga ng malalim. “I’m really sorry for what happened.”
Sinamaan ko siya ng tingin
“Focus on your navigation and computer, Captain Tamayo!” madiin kong sabi.
Hindi ako komportable na katabi siya ngayon. At mas lalong hindi ako komportable na makatrabaho siya. Kailangan kong magtiis ng ilang oras at pigilan ang galit ko ng dahil sa kaniya. ‘Sa kaniya ba o kay Aleric? Baka naman kasi sa kaniya ko na nabubunton ang galit ko.’ Napapikit ako ng mariin. Kinokontrol ko ang panginginig ng aking mga kamay dahil sa galit. Naisip ko na naman kung paano niya ako ginawang tanga. ‘Pinaglaban ko pa naman siya pero, kupal din naman pala.’
“Are you okay, Captain Taevas?” tanong niya.
“I’m not okay! At mas lalo lang bumibigat ang pakiramdam ko ng dahil sa iyo!” bulalas ko. “Take over, magbabanyo lang ako,” saad ko.
“Yes, Captain!” masunurin niyang sagot. Napansin kong nakangiti pa siya at wari’y nang-aasar.
Pagpasok ko sa banyo ay hindi ko na nga napigilan na umiyak.
“s**t!” malakas kong mura sa isip ko.
Mabilis kong kinalma ang sarili ko at pinunasan ang luha sa aking mga mata. Naghilamos rin ako para hindi mapansin ng ibang F.A ang aking itsura. Pasinghot-singhot pa ako dahil sa aking pag-iyak.
Paglabas ko ng banyo ay nasalubong ko ang dalawang F.A na nag-uusap. Napatingin ang dalawa sa akin.
“Captain, okay ka lang?” tanong sa akin.
Ngumiti ako at tumango.
“Namumula kasi ang ilong at mga mata mo. Sigurado po kayo?” tanong ng isa.
Ngumisi ako. “Oo. Sinisipon lang ako kaya namumula ang ilong ko. Medyo nahirapan lang ako bumahing kaya naiiyak ako.”
Ngumiti lang sila at hindi na umimik.
“Gumaan na ba ang pakiramdam mo?” bulalas niya ng bumalik ako.
“Anong alam mo?” pabalang kong tanong. “Pwede ba, tumigil ka na sa pagsasalita. You don’t know me. We’re not even close. Hindi rin tayo magkaibigan. So stop acting like we know each other. Stop asking like you don’t know what happened.”
“Oops. Chill lang! Hindi ako ang kaaway mo,” sagot niya.
“Fine! Just zip your mouth and don’t talk.”
Sumenyas nga siya na tatahimik na at hindi na magsasalita.
Ilang oras ang nakalipas at nakarating na nga kami sa airport.
“We wish you a pleasant stay in Singapore and we hope to see you again very soon. On behalf of all our crew, thank you for choosing our company as your airline today.”
“Want to grab some food?” tanong niya.
Umiling ako. Kinuha ko ang ilang form na dala-dala ko. Palabas na ako ng cockpit ng pigilan niya ako.
“It’s my treat. Nagugutom na rin kasi ako,” bulalas niya.
Hinawi ko ang kaniyang kamay. Paglabas ng cockpit ay tinawag pko lahat ng crew.
“Guys, manlilibre raw si Captain Tamayo,” sambit ko. “We still have an hour kaya may time pa tayo na mag snack.”
“Wow!!!” Sambit nila.
Naramdaman ko naman nasa likuran ko na siya.
“Thank you in advance Captain Tamayo!” bulalas nila.
Ngumiti naman ako at naglakad palabas.
“Let’s go!” yaya ko sa kanila.
Nakisabay ako sa mga crew para makaiwas sa kaniya. May pagkakataon na gusto niyang magsalita pero inuunahan ko na para manahimik na lang.
I ordered coffee by myself.
“It’s my treat!” saad niya mula sa aking likuran.
Seryoso ko siyang tiningnan.
“I can buy myself coffee. Thanks!” sagot ko at iniwanan na siya sa counter.
Pag-upo ko sa lamesa kung saan naka-upo ang iba kong katrabaho ay nagtatawanan na sila. Hindi ko alam kung anong pinag-uusapan nila kaya’t hindi ako umiimik. Pirming nakatingin lang ako sa labas ng bintana at hinihigop ang aking kape.
“Here’s your order,” masayang sambit ni Devon. Isa-isa rin niyang inabot ang cake sa aming mga kasama. ‘Kasama ako.’ “You should taste this. I’m sure magugustuhan mo.”
Umangat ang tingin ko sa kaniya pagkatapos ay sa aming mga kasama.
‘Nasa kinakain na nila ang kanilang mga atensyon.’
Ngumiti ako pabalik sa kaniya. Umupo siya sa aking tabi.
“Yummy!” saad ng kainin ang kaniyang cake.
Inusog ko ang platito na may laman na cake pabalik sa kaniya.
“Thanks. Pero hindi ako mahilig sa mga sweets,” tugon ko. Tumayo ako, “Excuse me guys. Punta lang ako sa restroom,” paalam ko.
Kinuha ko ang aking cellphone. Naka flight mode iyon kaya hindi ako nakakareceived ng call and text. Nang buksan ko iyon ay nakareceived ako ng ilang mga text.
“Nagpareserve na ako ng private room kay Nik.” Text ni Rachel sa akin.
Nireplayan ko agad iyon na may ngiti sa labi.
“Can’t wait to party tonight,” reply ko. “See you later.,” pahabol kong sagot.
Ini-scroll ko ang inbox at nakita rin na may text doon si Aleric.
“Let’s talk. I’ll wait for you. I love you!”
Napasinghap na lang ako.
“Mahal pero nagawa mong saktan at lokohin?!” bulong sa aking sarili. Natulala na rin ako sa isang sulok na parte ng banyo. “Hindi ko alam kung anong gagawin ko sa iyo, Aleric!”
Sinulyapan ko ang buong team sa coffee shop. Abala pa rin sila sa pag-uusap habang kumakain. Babalik sana ako pero nagbago ang aking isip. Imbes pumasok doon ay dumiretso ako pabalik sa airplane.
Ginawa ko na ang mga dapat kong gawin bago bumalik sa cockpit. Doon ko na lang sila hinintay habang tinitingnan ang weather forecast at nire-ready ang aming next flight pabalik sa Pilipinas.
“Anything I can do, Captain?” bulalas ng isang tinig.
“Nothing, Captain Tamayo. I’m already done with it! You can relax and wait for our flight,” sagot ko.
Narinig kong ngumisi siya kaya naagaw niya ang aking atensyon.
“You’re so beautiful. You look like a living doll,” puri niya. “No wonder na-inlove sa iyo si -.” Tinakpan niya ang kaniyang bibig. “Sorry! Bawal nga palang banggitin ang pangalan niya.”
Tinapunan ko lang siya ng isang tingin at hindi ko na ulit siya pinansin.
“Bye the way, Captain Taevas! I want to congratulate you in advance. Ngayon pa lang ay alam kong papasa ka na sa Proficiency Check. And I hope, hindi lang ito ang unang beses na makakasama kita sa isang flight.” Kaswal niyang sagot. “Bago tayo bumalik sa Pilipinas, sana makuha ko na rin ang kapatawaran mo dahil sa ginawa ko. I already know my mistake at hindi ko na uulitin iyon. Sorry kung ako pa ang naging dahilan ng pag-aaway niyo.”
Huminga ako ng malalim.
“Apology accepted,” sagot ko.
“So, okay na tayo? Patatawarin mo na rin siya?”
“Okay? Tayo? Not really! Pinatawad kita but it doesn’t mean na may chance na maging okay tayong dalawa,” direktang sagot ko. “At para sa kaibigan mo, wala pa sa isip ko kung mapapatawad ko siya o hindi.” Ngumiti ako, “It takes time, but not now!” Tinaas ko ang aking hawak na ballpen at dinuro sa kaniya. “I really don’t know your motive kung bakit kailangan mong gawin ito sa relasyon namin, lalo pa at magkaibigan kayong dalawa. Pero hindi mo ako madadala sa mga tricks mo,” dugtong kong sabi. “At regarding sa sinasabi mo tungkol kay Aleric? Oo, magkakilala kayo mula pagkabata. Pero sa maikling panahon na nakasama ko siya ay nakilala ko ang kaibuturan ng kaniyang puso. Idamay mo na pati ang kaluluwa niya!” biro ko pa. “Kung sino ‘man siya, noon at ngayon? I don’t care.”
Nakita kong napalunok siya. Hindi rin nakasagot kaagad.
“Nagulat ka ba?” natatawa kong tanong. “Sorry, hindi ako ang klase ng taong magpapaligoy-ligoy. And stop flirting with me.” Babala ko sa kaniya.
Napangiwi siya at nilihis ang tingin sa akin.
“You got me. But my intention is not as bad as you think. Iniisip ko lang siguro na ayaw ko ng madagdagan ang babaeng masasaktan niya.” Tinaas niya ang kaniyang dalawang kamay na wari’y sumusuko. “Hindi na ako makikialam at hahayaan ko na lang na ikaw ang maka-discover ng ugali niya.”
“That is the best thing you can do. Don’t meddle in our relationship!” banta ko.
“Deal,” sagot niya.
Pasado alas nueve na ng matapos kami sa trabaho. Nauna nang umalis si Devon. ‘I don’t care kung na-offend ko siya. But that is the best thing I can do para tumigil na siya sa hidden agenda niya sa amin ni Aleric.’ Ang daming gumugulo sa utak ko dahil magkaibigan sila. ‘I didn’t except na hindi tunay na kaibigan si Devon, gaya ng iniisip ni Aleric.’ Naturingan na kaibigan pero kaya kang saksakin ng talikuran.
“Thank you. Ingat kayo pag-uwi,” paalam ko sa aking team. Nauna na silang lumabas ng elevator dahil may lakad pa sila. Dumiretso ako pababa sa parking lot kung saan ko iniwan ang aking sasakyan.
Paglabas ko pa lang ng elevator ay nakita ko ng nakaabang si Aleric. Nakasandal siya sa aking kotse. Nang patunugin ang remote ay nagulat pa siya.
“Hera!” tawag sa akin. Hindi ko siya pinansin at dinaanan lang siya na parang multo. “Please, give me one last chance, honey! I admit my mistake. I’m sorry. Parang-awa mo na!” pagmamaka-awa niya. Lumuhod pa siya sa aking harapan. “Please, huwag mo naman tapusin ang relasyon natin ng ganito.”
Napangiwi lang ako sa kaniyang sinabi.
Tiningnan ko siya pero wala akong sinabi na kahit ano. Hindi na rin ako nagpakita ng interes sa kaniya.
Kinuha ko ang pagkakataon na maka-alis habang nakaluhod siya sa sahig. Sumakay ako sa kotse at ni-lock kaagad iyon.
Tumayo siya at humarang sa tapat ng daraanan ko.
Ilang beses ko siyang binusinahan pero hindi siya nagpatinig.
Tumingin ako sa aking likuran. ‘Makakabwelo pa naman ako,’ sabi ko sa aking isip.
Inatras ko pabalik ang kotse at nag buwelo pakaliwa.
“Nakalusot din,” bulong sa aking sarili.
Nakita ko siya sa side mirror na tumatakbo at sinusundan ako.
“Ngayon ko lang na realize na ang tanga mo!” bulalas ko. “Mahahabol mo ba ako kung tatakbo ka lang?” tanong ko sa aking sarili.
Hindi na ako bumalik sa condo dahil kanina ay kumuha na ako ng damit ni Rachel na pwede kong suotin. Kailangan ko na lang magpalit.
Pag park ko sa tapat ng Nyx Bar ay hindi na muna ako bumaba. Sa mismong loob na ako ng kotse nagbihis.
“I swear! Pagsisihan mo ang ginawa po sa akin!” saad ko sa aking sarili.
Sinuot ko ang pinaka sexy na damit ni Rachel. ‘It’s a Silk Backless String Sexy dress.’ Hapit na hapit iyon sa aking katawan. Pinarisan ko iyon ng Ankle Wrap Sandals kaya pak na pak talaga ang outfit ko. ‘Alam kong masusundan ako ni Aleric ngayon gabi kaya pinaghandaan ko ito.’
“Let’s party!” sigaw ko. Pagbaba ko pa lang ng kotse ay umawra na ako.
Aleric Zeus Marcet
Pinaharurot ko ang kotse ng makumpirma ko kay Chan na magkakasama sila sa Nyx Bar. Hindi lang ako nagmamadali na maka-usap siya pero nawindang ako ng i-send sa akin ni Chan ang picture ni Hera habang nasa itaas ng stage at nag patugtog kasama ang lalaking iyon.
‘She’s so daring!’
“What the hell are you doing, Hera!” giit kong sabi sa aking sarili. “Is she ready to find a replacement for me? No. No. No. It can’t be!”
Kumaripas ako ng takbo papasok sa bar. Napahinto ako ng makita si Hera na nakikipag sayawan sa kaniyang kaibigan na si Nyk na may ari ng bar. Nakahawak sa kaniyang baywang ang lalaki habang siya naman ay nakapulupot ang braso sa leeg nito. ‘They’re so intimate!’
Napakuyom ako ng palad at sinubukan pakalmahin ang sarili ko.
“Kasalanan ko kaya siya nagkakaganito,” sambit ko sa sarili.
Nilagpasan ko ang stage at dumiretso sa private room kung nasaan sina Derek, Chan at ang iba pa.
Pagbukas ko ng pinto ay mga nagsasayawan rin sila at nagpa-party. Akala ko ay tatlo lang sila. ‘Hindi pala!’
Gaya ni Hera ay hindi rin nila ako pinansin at parang multo na pagala-gala sa kanilang paligid.
Naupo ako sa gilid ng glass window at mula roon ay sinusulyapan ang babaeng alive na alive na sumasayaw sa stage.
“Are you guys enjoying it?” hiyaw ni Rachel habang nakikipag sayaw kay Derek.
“Yes!!!” sabay-sabay nilang tugon.
“Sulitin natin ito dahil libre ni Nykky boy lahat,” sagot niya.
Ninakawan ko sila ng tingin at hindi umimik. Sinarili ko ang aking inis.
Hindi ko nagawang uminom dahil sa kakabantay kay Hera. Halos isang oras din siyang nasa stage at nag-eenjoy kasama ang lalaking iyon. May ilan lalaki pa na lumalapit sa kaniya at sinasayawan siya. ‘Panay bulungan pa ang mga hinayupak.’
“f**k!” sigaw ko.
Napatigil ang mga kasama ko at napatingin sa akin.
“President, kanina ka pa nariyan?” maang-maangan na tanong ni Rachel.
“Sorry, hindi ka namin napansin!” segunda ni Derek.
“Let’s drink, President!” yaya ni Chan. “Let’s toss para sa mga lalaking salawahan.”
“Let’s toss!” dugtong ni Romeo. “Para sa pagiging single ng Captain Hera natin!”
“Woahh!” hiyaw ni Steph.
“Para sa pagiging single!” ulit ni Joan at nakipag toss din sa kaniyang mga kasama.
Pinalo ko ng malakas ang lamesa kaya nagsitahimikan muli sila.
“Sinong nagsabi na single si Hera? I’m his boyfriend, and you know that!” Pagtatama ko.
“Weh? ‘Di nga?” pabalang na sagot sa akin ni Rachel.
“President, si Hera ang nagsabi na single na siya. Iyon din ang sinabi niya kay Nykky boy kanina. Kaya si Nykky boy pumoporma na sa Captain namin.”
“Hera, deserve someone better than a s**t man!” gatong ni Romeo. “Sayang! Your time is up.”
“So, let’s party!” Hiyaw ni Chan habang may hawak na alak at sinasayaw si Carol.
“Pinagtutulungan niyo ba ako?” sabat ko. Pero parang wala na silang naririnig habang nagsasalita ako. “Ayaw niyo talaga akong pansinsin?” ulit na tanong sa kanila. “Simula bukas ay tanggal na kayong lahat!” bulalas ko.
Napahinto silang lahat at tiningnan ako ng masama.
“Mabuti na lang talaga hiniwalayan ka na ni Hera. Pangit ng ugali mo!” saad ni Rachel.
Si Derek naman ang sumunod, “Tama! Umalis na tayong lahat at kasama natin si Hera. SIguradong hindi magpapaiwan iyon,” bulong pa niya sa mga kasamahan.
“Shut up! I won’t allow it.” sigaw ko.
“And what are you doing here?” bulalas ng isang boses galing sa pintuan.
“Hera, simula bukas wala na kaming trabaho.” Si Romeo ang nagsalita noon. “Sasama ka ba sa amin o magtitiis ka kasama ang dyablito na iyon?”
“Mamili ka!” segway ni Chan. “Kaming mga kaibigan mo o ang lalaking manloloko na iyan?” arte pa niya.
Lumapit si Hera sa lamesa at binuksan ang isang alak. Nilagok niya iyon bago magsalita.
“Hiring sa kabilang airline. Kilala rin ni Nyk ang may-arti. Lumipat na tayo ro’n. Ihanda niyo na lang ang mga resume niyo!” sagot niya. Wala siyang pakialam. “Huwag niyo na ngang stressin ang sarili niyo sa kaniya. Let’s party and drink!”
“Alright!” sabat ni Carol at muling umindayog sa saliw ng tugtugin. Ginaya na rin siya ng iba at naiwan na naman akong natameme sa isang sulok.
‘I behave myself.’ Mas lalo lang magagalit sa akin si Hera.
Ilang bote na ang kanilang nainom pero alive na alive pa rin sila. Pagbaba namin ng second floor ay sinalubong na ng lalaking iyon si Hera. Hinubad ang kaniyang coat at sinuot sa babaeng nakayakap sa kaniya ngayon.
“Hera!” mahinang usal ko lang. ‘Napipikon na ako.’ Ang tagal pa nilang magkausap at magkayakap ng sweet.
I cleared my throat.
“Excuse me!” saad ko at dinaanan ang dalawa. Hinablot ko na ang kamay ni Hera. “Let’s go!”
Hindi ko na hinintay na umalma pa si Hera at hinatak ko na siya palabas ng bar.
Pro-Hera Friends
“Tingin niyo ba bibigay na ang manok natin?” tanong ni Rachel sa mga kasama. Nakatitig lang silang lahat sa papalayong si Hera at Aleric.
“I think, hindi!” sabat ni Carol. “Iba ang temper ng manok natin. At mahirap i-please iyan!”
“I’m sure of that. No indefinite time,” tawang sabat ni Steph.
“Basta kay Hera tayo!” makulit na sang-ayon ni Joan.
Pro-Aleric Friends
“Matiyaga ang manok namin! Siguradong pagkatapos ng gabing ito. Okay na ang dalawang iyan,” makahulugang sabi ni Derek.
“Kaunting lambing lang ay siguradong lalambot din ang puso ni Hera. At sympre pati na rin ang tuhod ng manok natin,” sabat ni Chan.
Napatawa naman si Romeo. “I don’t know what to say!” sabi niya. “Let’s see what happen next. But of course, kay President pa rin tayo.”
Nagkatinginan ang babae at mga lalaki.
“Ah gano’n?” saad ni Rachel. “Pwes! Manigas ka riyan,” banta kay Derek.
Sinundan naman agad ni Derek ang kalaguyo at inamo-amo.
Kinuha naman ni Steph ang braso ni Romeo. “Hindi mo pa kilala ng lubusan si Hera. It’s better na sa kaniya ka kumampi.”
Inakbayan naman ni Carol si Chan. “Hindi na ba magbabago ang desisyon mo?” makahulugang tanong niya.
Napangiwi naman si Chan at binulungan ang kasintahan. “Syempre kay Hera pa rin ako!”
Tumango-tango lang si Carol. “Siguraduhin mo lang.”