Hao Residence Tahimik ang buong kabahayan. Nasa hapag kainan ang buong pamilya at payapang kumakain. Tunog ng mga kubyertos ang nangingibag. Napansin na ni Marvin na hindi normal ang ganitong sitwasyon sa kanilang tahanan. Sa kaniyang isip ay alam niyang tama ang kaniyang ginawa. May bumabagabag ‘man sa kaniyang isip ay hindi niya pinapakita iyon sa mga anak. Gusto niyang harapin ang sitwasyon na may matinong pag-iisip upang ipaliwanag ang mga nangyari, lalo pa at biglaan ang lahat. Huminga ng malalim si Marvin upang makakuha ng lakas ng loob na magsalita. “Alam kong may mga bagay kayong gustong itanong,” usal niya. Isa-isang tiningnan ang mga anak. Bumuga siya ng hangin, “Handa akong sabihin ang lahat sa inyo at wala akong itatago. Ang hangad ko lang ay maintindihan niyo ang naging de