Devon Tamayo Nakailang lagok na ako ng alak pero hindi ko pa rin alam kung paano ko sisimulan ang sasabihin ko kay Aleric. Naghihintay siyang magsalita ako at sabihin ang lahat ng tungkol sa totoong relasyon namin ni Aimee. ‘Ayoko na sanang balikan ang nakaraan dahil iyon ang bagay na nagbibigay sa akin ng kahinaan. Ang pagkataong binaon at kinalimutan ko na ay nagsisimula na namang manumbalik.’ “Dev, nangako ka!” Ngumiti ako kaharap ang baso na hawak ko. Huminga ako ng malalim. “Hindi ba pwedeng alam mo na lang na magkapatid kami?” tanong ko. Humarap ako sa kaniya, “Sa buong buhay ko ay ang pagkatao kong iyon ang pilit kong gustong kalimutan.” Tinapik niya ako sa balikat. “Ngayon ko lang nakita na ganiyan ka ka-apektado. Devon magkaibigan tayo. Kung anuman ang sakit na nararamdaman