Rachel & Derek “Wala na ba talaga tayong magagawa para sa kanila?” tanong ni Derek sa katabing babae. Umiling-iling si Rachel at nagsalita, “Wala na! Silang dalawa lang ang makaka-ayos sa relasyon nilang dalawa.” Bumuntong hininga siya, “Ayaw ko ng makialam sa kanila dahil si Hera lang ang masasaktan. She’s willing to sacrifice her own happiness para lang hindi mapahamak ang Mama niya. At kahit ako ‘man ang lumugar sa katayuan niya ay iyon ang gagawin ko. Mga lalaki lang naman kayo. Hindi namin ipagpapalit ang pamilya kasya sa inyo.” “Bakit nasama naman ang relasyon natin sa usapan?!” sagot niya. “Siguro nga hindi talaga sila para sa isa’t-isa, no?” tanong niya. “Hay! Nakakalungkot talaga. Tadhana na lang siguro ang magbubuklod sa kanila kung para sila sa isa’t-isa.” “Tama ka! Kaya ‘wa