FREYAH POV. NAKIUSAP ako kay Daddy at sa kapatid kong panganay na si Troy, huwag nilang sasabihin kay Mommy ang tungkol sa tunay kong katauhan. Baka mabigla at magkasakit. Hindi ko man sila maaala pero sa puso ko, nararamdaman ko sila. Pagsapit nang gabi, handa na kaming umalis ni Gillian, nang biglang dumating ang mga vampira. Hindi ko kayang protekatahan ng sabay si Gillian at lahat ng tao dito sa mansion. Kaya tinawag mo sa isipan si Vampire King, kailangan ko ang tulong niya. Pumikit ako at mahigpit na hinawakan ang pendant, ilang segundo akong naghintay ngunit walang dumating. Nilingon ko si Gillian, nagtatalo ang isipan ko kung kaya ko ba siyang i let go kapalit ng kaligtasan ng buong pamilya ko. Kapag pinili ko ang soulmate ko, buong pamilya ko ay mamamatay, at mawawalan

