WEDDING DAY. HABANG nakatayo si Troy sa harap ng altar, katabi ang kanyang mga magulang, hindi na niya napigilan ang pagdaloy ng luha sa magkabilang pisngi. Panay ang pahid ni Mommy Kathryn sa mga iyon, pilit tinatanggal ang bakas ng emosyon sa mukha ng anak. “Son, ngayon ka pa ba iiyak? Ilang minuto na lang, may asawa ka na! O baka naman gusto mong umatras dahil nagbago ang isip mo?” biro ni Froilan, sabay tapik sa balikat ni Troy—parang sinasabi, “Relax lang, anak, okay lang ‘yan.” Isang munting paraan para maibsan ang tensyon sa sandaling ‘yon. Napangiti si Troy, bahagyang napailing. “Tears of joy, Daddy. Hindi ko lang akalaing sa lahat ng taon ng asaran at bangayan namin, sa huli pala, kami rin. Kung alam ko lang na siya rin ang magiging asawa ko… noon pa sana pinakasalan ko na siy

