MAGDAMAG na gising si Moneth. Alam niyang iyon na rin ang huling gabi sa trabaho ni Troy, at habang lumilipas ang oras, lalo siyang nilulukuban ng matinding takot. Walang tigil ang kanyang panalangin—isa lang ang kanyang hinihiling: na muling mayakap niya ang lalaking minamahal. Ang gabi na yon ay huling misyon ni Troy. Sa bawat impormasyong narinig ni Moneth, lalo siyang kinakabahan—karamihang mga sumabak sa giyera o labanan noon, hindi na nakauwi nang buhay. Alam niyang sanay si Troy sa panganib, pero iba ang pakiramdam niya ngayon. Parang may malamig na kamay na humahaplos sa kanyang dibdib. At unti-unting pinipisil ang puso niya. Napapikit siya, pilit itinataboy ang mga negatibong iniisip. Baka ito na nga iyong huling beses… baka sa umagang iyon, wala na siya. Bulong ni Moneth, haba

