KINUHA ni Moneth sa sabitan ang bathrobe pagkatapos ay inabot niya sa binata at marahang tinulungan sa pagsusuot si Troy. “Doon tayo sa lababo, aahitan kita. Pagkatapos, mag-toothbrush ka na rin.” wika pa ni Moneth. “Okay,” tipid na sagot ni Troy. Sumunod siya at tumayo sa harap ng malaking salamin. Tahimik sila pareho tila nagpapakiramdaman. Ganun pa man lihim na pinagmamasdan ni Troy ang dalaga. Habang nilalagyan siya ni Moneth ng shaving cream, hindi mapigilan ni Troy na titigan ito sa repleksyon ng salamin. Ang ganda talaga ni Moneth — natural, walang arte, at hindi kailangan ng make-up para tumingkad ang kagandahan nito. May kakaibang karisma at simple ang mukha nito, parang ang sarap nitong mahalin o tamang sabihin na mahal na nga yata niya ito. Napansin ni Moneth ang tingin niya

