ISANG linggo na ang nakalipas, ngunit nananatili pa rin si Troy sa mansion ng Montes–Malvar. Ayaw pa siyang paalisin ni Moneth; hindi pa raw siya ganap na magaling. Totoo naman — masyadong malalim ang isa sa mga tama ng bala, at bagama’t bahagyang naghilom na ang sugat, paminsan-minsan ay sumasakit pa rin iyon lalo at napupwersa. Ngunit kailangan na niyang bumalik sa S.A. Agencia. Kung hindi, siguradong masasabon na naman siya ni Kuya Josh. Isang linggo lang ang ibinigay sa kanya na leave, at ngayon ay lagpas na siya roon. Kaya’t maaga pa lang, nagtungo siya sa kwarto ni Kuyang. “Tol Kuyang, kailangan ko nang umalis. Alam mo naman ang patakaran sa Agencia — mahigpit sila. Kailangan ko nang mag-report.” “Pero, Tol Troy,” agad na sagot ni Kuyang, may halong pag-aalala sa boses, “hindi ka

