HINDI namalayan nina Troy at Moneth na tapos na pala ang party ni Kyle. Nagulat sila nang biglang lumiwanag ang buong kwarto ni Cain. Napatingin si Troy sa pinsan niya na nakataas ang kilay, hawak pa ang switch ng ilaw. “Anong ginagawa mo dito, Troy?” may halong pagtataka at duda ang tanong ni Cain. “Nag-uusap lang kaming dalawa,” sagot ni Troy sabay kamot sa batok, nahihiya at para bang may nagawang hindi tama. “Dito talaga kayo nag-uusap sa madilim na kwarto?” muling tanong ni Cain, hindi maitago ang pagdududa habang lumilingon kay Camilla na seryosong nakamasid sa kanila. Sumulyap si Troy kay Moneth. Si Moneth naman, napakagat-labi na parang nais ibuka ang bibig at magsalita pero hindi alam kung paano sisimulan. “Eh kasi…” bungad ni Troy, nag-iisip ng matinong rason. “Kasi?” naka

