CHAPTER 47: SINASABI NIYA LANG ito para muli niya na naman akong maloko. Iyon ang nasa isip ko habang yakap ako ni Travis ngunit iba ang sinasabi ng puso at ng katawan ko. Imbes na itulak siya palayo, isinubsob ko ang mukha ko sa kanyang dibdib at saka siya niyakap. It felt nice. Pakiramdam ko ay nakauwi na ako. He has feelings for me, halata naman at nararamdaman ko rin naman pero ang hindi ko lang labis na maintindihan ay kung bakit hindi niya maamin iyon sa akin? May malalim na dahilan ba siya para hindi aminin? Kasi imposibleng ganito ang kilos niya dahil lang gusto niyang maka-score. Would he chase me if there are tons of women out there to f**k? He is handsome, he is wealthy and famous. There are lots of women out there who are willing to kneel down for him. Mas magagaling silang m

