CHAPTER 46: “WE ARE GETTING MARRIED!” “Anong trip ‘to? Matapos ng lahat, magpapakasal kayo?” hindi makapaniwalang tanong ni Kate. Maski ako ay hindi makapaniwala. Sino bang maniniwala? “Okay lang kung hindi kayo maniwala kaagad, basta kapag magsusukat na ng gown, dapat naroon kayo ha! Kayo ang bridesmaid ko!” bulalas ni Milly. Nasapo ko ang noo ko habang si Kate naman ay napahigop sa mainit niyang kape. Hindi kapani-paniwala ang lahat. Ilang taon din silang naghiwalay, tapos ngayon bigla silang magpapakasal? “Nasisiraan na ba kayo ng bait?” taas ang kilay na tanong ko. “Seryoso ang kasal, Milly. Dapat pinag-isipan n’yo na muna ni Zack ang tungkol d’yan,” dagdag pa ni Kate. Na-i-imagine ko pa lang kung ano ang mangyayari sa kanilang dalawa sa oras na matuloy nga ang kasal, tapos

