CHAPTER 10: MANINIWALA NA SANA ako sa ekspresyon ni Travis kung hindi ko lang napansin iyong si Shine na biglang lumingkis sa braso niya. I shook my head and then walked with Milly and Kate. “Batiin lang natin ang birthday celebrant tapos maghanap na tayo ng boys!” si Kate na halatang excited dahil may ilang gwapo. “Halika na! Batiin natin!” Hindi pa man ako nakaka-oo, hinawakan na ni Milly ang kamay ko at hinatak papunta sa kung nasaan si Travis. Naroon silang dalawa at nakaupo sa lawn chair habang si Shine ay kulang na lang talaga, kumandong kay Travis. “Happy birthday, Travis! O 'di ba? Great idea ang magpa-party ka naman!” bati ni Milly habang hawak nang mariin ang kamay ko. “Happy birthday, Travis! Nang dahil sa 'yo, makakahanap ako ng papa tonight!” Kate greeted him too. “Sala

