CHAPTER 26: “HINDI KO PO siya boyfriend!” maagap na depensa ko. Nagulat silang tatlo sa biglaan kong pagsigaw. Kahit sino naman siguro ay magugulat sa akin, sarili ko nga ay nagulat. Nabibigla lang naman ako. “E bakit kung maka-react ito, parang may kung anong meron sa inyo?” taas ang kilay na balik-tanong naman ni Mama. Umiling ako saka awkward na ngumiti. “Hindi po, galing lang po siya sa conservative na pamilya…” “O-opo, Tita! Kaya po hindi siguro sanay na makitang magkatabi ang hindi naman magkamag-anak with an opposite gender,” dagdag pa ni Davie. Namilog ang labi ni Mama kasunod no’n ay ang marahang pagtango. “Gano’n ba, o sige at ipaliwanag n’yo na lang sa kaibigan n’yong conservative.” Nakahinga ako nang maluwag nang tuluyan nang lumabas si Mama. Naipaliwanag na at lahat ang

