CHAPTER 5:

1709 Words

CHAPTER 5: ANO NAMAN KAYA itong sinasabi niyang naiwan ko? Ilang beses ko nang kinalkal ang bag ko pero wala talagang nawala! “Baka jino-joke time ka lang no'n! Ikaw naman, masyado mo namang siniseryoso,” ani Milly na abala sa paglalagay ng nail polish sa kanyang kuko. “Ewan ko, nakakainis.” Iniligpit ko ang mga gamit na inilabas mula sa bag. Tutal wala naman talaga akong naiwan! “Alam mo, kung hindi lang ako pumunta sa birthday ni Davie, edi sana hindi ko makikilala iyang babaerong Travis na ‘yan.” “Aba! Bakit parang kasalanan ko? E kung talagang destined na magkita kayo roon, magkikita kayo! At saka, talaga bang pinagsisisihan mo ang pagpunta sa party ni Davie?” “Hindi naman sa gano'n pero… Ah, basta! Kanina tinanong ko pa siya kung may balak ba siya sa akin.” “Oh, e anong sagot?”

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD