CHAPTER 4:
SUNDAY MORNING AND just like my every Sunday routine, alas-singko pa lang ay gising na ako para maghanda sa pag-ja-jogging. Nakasanayan ko na ito sa tuwing wala akong pasok sa school. Mula 5:30 am hanggang bago mag-alas-sais ng umaga ay nag-ja-jogging ako. Kailangan ko ito dahil sa tuwing hindi ako nag-e-exercise, nagiging mabilis akong hingalin. At ayaw ko nang ganoon.
Suot ang sports bra at leggings, lumabas na ako ng kwarto. Naabutan ko roon si Mama na abala sa pagluluto ng almusal.
“Good morning, Ma!” I greeted her.
Nilingon niya naman ako saka ngumiti. “Good morning! Balik ka kaagad, paluto na ang breakfast.”
Tumango ako saka pa lamang lumabas ng bahay. Sumalubong sa akin ang malamig na hangin. Medyo madilim pa at mukhang aabutan ko pa yata ang pagsikat ng araw. Pagkalabas ko ng gate, kaagad ko nang sinimulan ang pag-jogging. Habang nag-ja-jogging, may mga nakasabay akong ilang matatanda, mayroon ding mga ka-edaran ko o kaya naman ay mas may edad lang ng kaunti. Masarap kasing mag-jogging sa subdivision na ito dahil maluwag ang daan kaya at malinis. Kailan lang din kami lumipat dito.
Ilang bahay lang ang layo sa amin ay napansin ko na ang bagong bahay na itinatayo roon ng halos apat na buwan na yata ay tila tapos na at may naglilipat na rin. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang bahay na iyon dahil malaki at maganda pero hindi naman na ako huminto para tingnan. Diretso kong tinakbo ang daan hanggang sa dulo ng gate. Pabalik na ako nang muli kong matanaw ang bahay, this time I stopped to look at the truck na naglalabas ng mga mamahaling gamit.
Namangha ako nang makita kung gaano kamamahalin ang mga gamit na ipinapasok sa loob. I wonder, gaano kaya sila kayaman?
Paalis na sana ako roon nang mapansin ko ang isang lalaki sa loob ng bahay. Naglalakad siya palabas ng bahay habang sinusuklay ang buhok niyang basa pa. Topless at tanging shorts lamang ang suot niya kaya naman kitang-kita ko ang kanyang katawan na mukhang nag-gi-gym na yata sa edad niyang 20 years old!
Totoo? Bakit sa mga kaibigan kong lalaki, wala akong nakitang may ganyan kagandang hulma ng abs? O baka naman hindi siya 20?
“Rory!”
Napakurap ako nang makita niya ako at biglang tinawag. Kumabog ng mabilis ang puso ko dahil sa kaba. Gusto kong umatras, tumakbo o ano pa man para hindi kami magkausap pero huli na nang kumaway na ito sa akin.
“Sabi ko na nga ba at magkikita tayo rito e!” Lakad-takbo ang ginawa niya habang sinasabi iyon.
Wala na, hindi na ako nakatakas pa nang nasa harap ko na siya. “Nag-jo-jogging ka rin pala sa umaga?” tanong niya.
I parted my lips and then closed it again… “Hindi naman palagi, tuwing Sunday lang.”
Tumango siya saka luminga sa paligid. “Saan ang bahay n’yo?”
“Hindi kasing laki ng bahay n’yo.”
“I’m not asking how big your house is, I’m asking where it is.”
“Bakit kailangan mong malaman?”
He chuckled a bit. Lumapit pa siya sa akin para iwasan ang ilang dadaang nag-jo-jogging din.
“You’re sweaty,” he said. “And you look hot…”
Nanliit ang mga mata ko sa sinabi niya. Halatang magaling talaga siyang mambola ng mga babae sa paraan ng pananalita niya. Hindi ko sinagot iyon, instead I changed the topic.
“Anyway, since dito ka na pala nakatira, ihahatid ko na lang mamaya iyong damit na hiniram ko sa ‘yo noong Friday. Balak ko sanang ipa-deliver na lang iyon e.”
“Okay, maybe lunch. Kain tayo sa bahay,” aniya.
Umiling naman ako agad. “Hindi, ihahatid ko lang talaga. May pupuntahan din kasi ako mamayang hapon.”
He nodded and then gave me a playful look. “Alright, pero next time huwag mong tanggihan ang alok ko.”
Tumango lamang ako. “Sige na, alis na ako… hinihintay na ako ni Mama sa bahay. Bye!”
Imbes na jogging lang ay binilisan ko na ang pagtakbo. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Kung bakit ganito ang nararamdaman ko mula pa noong una kaming nagkausap. I find it difficult to look into his eyes. Hindi rin ako komportableng kasama siya. Bukod roon, kinakabahan talaga ako kapag kinakausap ko siya. I don’t know what it is, maybe an instinct na dapat layuan ko siya dahil he’s a playboy. Mabuti nga na may ganito akong nararamdaman dahil nakakatakot mahulog sa ganitong kalagayan. Ang pangarap ko kasi ay iyong makatuluyan na ang susunod na makakarelasyon ko. I date because with marriage in life not just because I want to date.
“May bago raw’ng lipat sa malapit, nakita mo?” tanong ni Mama habang kumakain kami.
“Mama, ang bilis naman yatang nakarating sa ‘yo ng tsismis!” bulalas ko. Muntik pa tuloy’ng tumalsik ang kanin mula sa aking bibig.
Sinangag at hotdog ang almusal pa naman ang almusal namin ngayon! Hindi ko pwedeng palampasin bawat butil ng kanin.
“Anak, hindi ako ang naghanap ng tsismis. Alam mo naman si Teresa d’yan sa kabilang pinto. Kumatok pa talaga rito sa bahay kanina at sinabing mayaman daw ang bagong lipat.”
I rolled my eyes then continued eating. Hinayaan ko na lang si Mama. Kunwari pa iyang hindi tsismosa, pero kung sasabihin ko sa kanya na schoolmate ko ang nakatira d’yan, hahaba pa ang usapan. Si Mama pa naman, pinapahaba ang wala namang kwentang usapan.
Nang matapos kaming kumain ng almusal ay naligo na ako dahil medyo nanlalagkit na rin ang katawan ko. Tagaktak talaga ang pawis ko kanina. You look hot. Diyos ko, bakit naman kasi kailangan niya pang sabihin iyon? Hindi tuloy mawala sa isip ko iyong boses at kung paano siya makatingin sa akin. Nakakaloka, ganito yata talaga kapag hindi na inosente, nagkakaroon na ng malisya sa lahat.
Matapos kong magbihis, nagpahinga muna ako at nag-scroll sa Fesbuk. Kausap ko rin si Milly na siyang kikitain ko mamaya. Magkasama kami tuwing Sunday. Hindi lang halata pero Milly is my best friend since elementary. Kahit naman siraulo ang isang iyon, mabait at nakakasundo ko siya sa lahat ng bagay.
Lunch ang usapan namin na magkikita kami kaya naman alas-onse pa lang ay nakagayak na ako. I’m wearing a turn down collar blouse na kulay nude with faded wide leg pants. Nagsasapatos na ako nang kumatok si Mama sa pinto.
“Anak may deliver para sa ‘yo.”
Agad kumunot ang noo ko. Parang wala naman akong natatandaang may in-order ako.
“May babayaran ba, Ma?” takang tanong ko.
“Wala. Ang nakapangalan dito ay Rashiel Barona. Sino ‘to?”
Nahinto ako sa pagsisintas ng sapatos. Kapatid iyon ni Mike… bakit naman siya magpapadala sa akin?
“O-oo, Mama. Friend ko po.”
Kaagad akong tumayo at dumiretso sa pinto para kunin ang pinadala. Nakalagay pa iyon sa box na kasing-laki lang naman ng shoebox. I wonder what it is? Hindi ko na pinatagal, kumuha na ako ng gunting at binuksan ang package.
Nang maalis ko ang cover pati na rin ang bubble wrap ay saka ko binuksan ang takip. Halos madurog ang puso ko nang makita ang nasa loob. These are our pictures… Bumuntonghininga ako at nanginginig na inisa-isa ang pagdampot n’yon. There I saw a note.
Rory Serena,
Naglilinis ako ng mga gamit, nakita ko ang mga ito. Itatapon ko sana pero hindi ko kinaya kaya ibinalik ko na lang sa ‘yo. I used my sister’s name dahil alam kong hindi tatanggapin ni Tita kung i-deliver sa ‘yo na pangalan ko ang ginamit.
–Mike.
Humugot ako nang malalim na hininga saka isa-isang tiningnan ang natitira sa loob hanggang sa makita ko iyong couple ring naming dalawa. Lumunok ako bago dinampot ang singsing.
Bakit gano’n? Isang taon na ang nakalipas pero hindi pa rin ako maka-move on sa kanya? Inis na inihagis ko ang singsing. Sino bang makaka-move on kaagad sa tatlong taong relasyon? Sa relasyong naranasan mo ang una sa lahat. Na ibinigay mo ang lahat, pinangarap mo ang future kasama siya? Kahit sino naman siguro hindi kaagad makaka-move on!
I sighed and put all the pictures inside the box. Kaagad ko iyong isinara at itinapon sa basurahan. Bakit hindi na lang niya itinapon o kaya sinunog? Ang dali niya nga lang itinapon ang relasyon namin na sinasabi niyang boring tapos itong simpleng pictures at singsing, hindi niya kayang itapon? Gago siya!
Tumuloy na ako sa pag-alis bitbit ang paper bag na may lamang damit ni Travis. Nagpaalam lang ako saglit kay Mama bago ako tumuloy sa paglalakad. Imbes na maganda ang mood ko, nasira nang dahil sa pinadalang pictures ng ex ko!
Ilang saglit lang akong nag-doorbell sa bahay nila Travis, pinagbuksan na kaagad ako. Matandang babae ang nagbukas ng gate, mukhang kasambahay nila.
“Sino po sila?” tanong niya sabay suyod ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa.
“Kaklase ko po si Travis, may isasauli lang po sana ako.”
“Ano pong pangalan mo, Ma’am?”
“Rory po.”
“Rory ano po?”
I scratched the back of my head. Bakit ang daming tanong? Kailangan bang buong pangalan ang sasabihin ko rito?
“Rory Serena Matikas po…”
“Ah!” she exclaimed. “Pasok na po kayo, kanina pa po kayo hinihintay ni Sir Travis.”
Kanina pa ako hinihintay? Napailing na lamang ako at dumiretso na papasok sa loob. Gaya kung gaano kagandang tingnan sa labas, maganda talaga ang bahay nila. Halos magmukha na ngang mansyon! May swimming pool pa roon. Maglalakad na sana ko papasok sa bahay nila nang pigilan ako ng kasambahay.
“Ma’am, nasa pool po si Sir Travis.”
Kumunot ang noo ko. “Huh?”
Nilingon kong muli ang pool. Nakahinga ako nang maluwag nang makita ko siyang nakaupo sa lounge chair na naroon.
“Ang tagal mo naman,” aniya.
I rolled my eyes then walked straight to him. “Sinabi ko ba kasing hintayin mo ako? Gagamitin mo na ba? Sana sinabi mo sa akin kanina para inagahan ko pa.”
Ngumuso siya at saka nag-angat ng kamay para abutin ang hawak kong paper bag. Inabot ko naman na iyon sa kanya.
“Aalis na rin ako, hinihintay ako ni Milly.”
“Kain muna tayo ng lunch,” aniya.
“Hindi na, may usapan kami ni Milly na kakain kami ng lunch sa labas.”
He pouted his lips then stood up. Umangat tuloy ang tingin ko sa kanya.
“Wala akong kasamang mag-lunch…”
Luminga ako sa paligid at naghanap ng tao. Kanina lang nandito iyong matandang babae…
“May mga kasambahay ka rito, sila yayain mong mag-lunch. Ang arte mo naman.”
“Ayaw, ikaw ang gusto ko.”
My eyes widened at what he said. “May balak ka sa akin ano?!”
Tumaas ang kilay niya. “Hindi ka pala manhid, oo may balak talaga ako.”
“M-maiwan na kita. Ako, wala akong balak na magpauto sa ‘yo.”
Mabilis na tinalikuran ko siya at dire-diretsong lumabas ng bahay nila kahit tinatawag niya pa ako. Alam kong nakasunod siya sa akin kaya lakad-takbo ang ginawa ko para lang makatakas ako sa kanya.
May balak talaga siya! Ramdam ko naman na iyon umpisa pa lang na magkausap kami noong Friday! Gusto niya ako… gusto niya akong isama sa koleksyon niya ng mga babae!
Inis na inis ako nang sumakay ako sa jeep. Sino bang hindi maiinis? Ang mga lalaki nga naman, ang hilig laruin ang feelings ng mga babae.
Saglit lang ay nakarating na ako sa bahay nila Milly.
“O? Ba’t nakabusangot ka naman?”
“Masyado bang halata?” tanong ko pabalik.
Hinawakan ni Milly ang noo ko at aktong ini-diretso iyon. “Oo, anong nangyari?”
Bumuga ako ng malalim na hininga saka pumasok sa loob.
“Good afternoon po, Tita!” bati ko sa Mommy niya.
“Good afternoon, Rory! Blooming, ah?”
I smiled at her then turned my head to Milly. “Ikukwento ko na lang sa iyo mamaya.”
Namilog ang kanyang labi na tila ba na-excite pa sa sinabi ko. Kumain na kami kaagad dahil nakahain na pala ang tanghalian nila, hinihintay na lamang ako.
Matapos mananghalian, diretso na kami sa tapat ng TV para maglaro ng video game na madalas naming nilalaro.
I was holding the controller when I started telling her what happened.
“Lumipat sila Travis sa subdivision na tinitirhan namin. Sila pala iyong may malaking bahay na pinagagawa roon!” I exclaimed.
“‘Yon lang ba? Alam ko na ‘yan!”
Nilingon ko siya sa nanlalaking mga mata. “A-ano?! Paano mo nalaman?”
Lumingon din siya sa akin at saka ngumiti nang nakakaloko. “Sinabi niya sa akin kanina, tinext niya ako.”
“What the F?! Bakit naman siya mag-te-text sa ‘yo?”
Ngumuso si Milly, magsasalita na sana pero nag-vibrate ang phone ko na nakalagay sa bulsa ng suot kong pantalon. I rolled my eyes to her bago ko dinukot ang phone sa bulsa. Unregistered number?
“Hello?” I asked.
“May naiwan ka rito sa bahay.”
“Sino ‘to?”
“Grabe, kanina lang nandito ka, nakalimutan mo kaagad ang boses ko?”
Mas lalong nanlaki ang mga mata ko nang mahulaan kung sino ang tumawag. Mabilis na hinampas ko ang balikat ni Milly na kaagad niya namang ikinatili.
“Aray! Mommy si Rory nanghahampas!” tila niya.