CHAPTER 3:

2273 Words
CHAPTER 3: MILLY IMMEDIATELY STOOD up after Travis told her to. Gusto ko sana siyang pigilan dahil naiilang talaga ako kay Travis pero wala na akong nagawa nang si Phil na ang sumundo sa kanya. Nakita ko pa kung paano siya binulungan ni Phil sa tenga na siyang ikinakilig niya. “Did you sense that?” Travis chuckled. “I can feel their dating.” “Hindi…” sagot ko. “Fling lang daw.” Namilog ang labi ni Travis at saka naupo sa tabi ko. “That’s better.” I turned my head to see him, somehow I got curious about his answer. “Is fling better than dating?” Travis shrugged and tilted his head to look at me. “Para sa akin mas okay kung fling lang. Boring kasi ang makipag-date.” Lalo akong naging interesado. “Paano mo nasabing boring?” Hinawakan niya ang kanyang pang-ibabang labi, tila nag-isip bago sumagot. “Well, kapag nakipag-date ka kasi para kang may obligasyon. Kailangan mong maging loyal, kailangan mong sundin ang gusto ng partner mo, you also need to accept that dating isn’t just all about sweetness and kilig. Darating sa puntong mag-aaway kayo at kailangan mong manuyo kung ikaw ang nagkasala. Dating is complicated, that’s why I don’t like it. While fling, you can just have fun with each other and then end it without any valid reason.” Nagkaroon ng sense para sa akin ang sinabi niya. He’s right… masyadong komplikado ang dating. Mahirap dahil hindi pwedeng hindi mo maranasan ang lahat; ang magmahal, maging masaya, kiligin, maging komportable hanggang sa humantong sa hindi pagkakaintindihan, pagtatalo at magkakasakitan ng feelings. I realized everything after I broke up with my ex-boyfriend. Na hindi talaga madali ang pagkakaroon ng relasyon. It’s a decision that you both need to be ready and settled. “Hindi ka na nagsalita. Ikaw? Ano sa tingin mo?” I nodded and smiled at him. “I think you’re right. Dating is complicated.” His tongue clicked after I answered his question. Sumilay ang bulto ng ngiti sa kanyang labi habang nakatitig sa akin. Inangat pa niya ang kanyang braso para ipatong sa backrest ng sofa’ng kinauupuan namin. Ngayon ay tila ba nakaakbay na siya. Mas lalo akong tinubuan ng pagkailang. Titig na titig siya sa akin na tila ba namamangha. At masasabi kong para akong matutunaw sa paraan ng pagtitig niya sa akin. Hindi ko maintindihan e, parang may pagka-manyak ang dating pero dahil gwapo siya, hindi naging ganoon ang kinalabasan! Ang unfair talaga ng mundo, bakit kapag gwapo ang tumitig sa ‘yo nang ganito hindi mo iisiping may pagka-manyak! Imbes na makipagtagisan ng pakikipagtitigan sa kanya, minabuti ko na lamang na mag-iwas ng tingin saka dinampot ang bote ng beer na nasa ibabaw ng lamesa. Uminom ako roon, halos ubusin ko na ang laman nang mapahinto ako. “Akin ‘yan…” he said. Kamuntikan ko nang mailuwa ang beer na nasa bibig ko! Mabilis kong ibinaba iyon, natapunan pa tuloy ako ng beer sa may dibdib dahil sa sobrang pagkataranta. “Hala!” Napalayo ako sa lamesa. Travis quickly moved, kaagad niyang pinunasan ng panyo ang dibdib kong natapunan ng beer. “f**k, sorry, sorry! Dapat hinayaan na muna kitang maubos!” aniya sa natatarantang tono. Umawang ang labi ko nang ma-realize kung ano ang ginagawa niya. Pinupunasan niya ang dibdib ko! His long fingers slowly touched the top of my right boob and it made me feel hot! Hindi ko alam pero imbes na sawayin siya, hinayaan ko siyang gawin iyon habang ramdam na ramdam ko naman ang pag-iinit ng aking mukha. Pakiramdam ko ay bumagal ang aking paghinga habang tinitingnan siya. Bago pa man may makakita, he looked up at me and then wiped the excess beer on the side of my lips. “I’m sorry,” he sincerely said, looking at my lips. Marahas akong napalunok dahil sa kanyang ginawa. At mas lalo pang bumilis ang pagtibok ng puso ko nang mag-angat siya ng tingin at nagtama ang mga mata naming dalawa. I saw his expression, it was the same as mine… “Rory, ayos ka lang ba?” nag-aalalang tanong ni Davie. Doon ako natauhan. Mabilis na lumayo ako kay Travis at nilingon si Davie na ngayon ay nag-aalala. Ganoon din naman ang ibang mga kaibigan namin maliban sa bestfriend kong busy sa pakikipaglampungan sa bago niyang kalandian. “Ayos lang ako, nasamid lang.” In-excuse ko ang sarili ko saka tumayo. “Banyo lang muna ako.” “Samahan na kita.” Tumayo na rin si Travis. “Huy! Ano ‘yan? Bakit sasama sa banyo?” Si Kate na ngayon ay lasing na lasing na sa dulo. “Huwag ka nang sumama, ayos lang naman ako,” suhestyon ko sa kanya. “No, I insist, I’ll buy you new clothes if necessary.” Wala na akong nagawa kundi ang hayaan siyang sumunod sa akin dahil kung ano-ano na rin ang conclusions sa isip ng mga kasama namin. I know they are not thinking straight, lasing na ang mga iyon at makakalimutan na siguro ang issue bukas! “What kind of clothes do you prefer?” Iyon kaagad ang tanong ni Travis nang makalabas kami sa videoke bar. “Kahit huwag na, ayos lang naman ako.” “Really? Do you realize what you're wearing?” Kaagad na bumaba ang tingin ko sa suot kong kulay baby blue na blouse. Manipis iyon at dahil nabasa, bakat ang suot kong bra at s'yempre, maging ang cleavage ko. My eyes widened to realize what he did earlier! “Then you—” Nag-angat ako ng tingin sa kanya sabay takip sa dibdib ko. “Mamboboso!” Umawang ang labi niya. Kaagad naman siyang umiling. “Oh no! Hindi ko naman sinasadya iyon. That was a reflex reaction after seeing that beer was poured into your…” Nag-iwas ito ng tingin pero hindi nakaligtas sa akin ang pamunula ng kanyang pisngi. “Bigyan mo na lang ako ng kahit anong t-shirt. Pakibilisan na lang kasi hindi ako lalabas sa banyo na ganito,” sabi ko at saka tinalikuran siya’t nagmamadaling naghanap ng banyo. “Okay!” he replied. Hindi ko na iyon pinansin pa, mas nag-aalala akong siguradong namumula na ang mukha ko sa sobrang kahihiyan. I don't know if he was telling the truth, ugh! I want him to take the responsibility for touching my boobs without my permission! I mean, hindi niya naman talaga nahawakan as in, pero tumama iyon kanina! I can still feel his fingers. Pagpasok ko sa banyo, diretso kaagad ang punta ko sa may harap ng malaking salamin. Suminghap ako nang makitang bakat nga ang dibdib ko maging ang nude color na bra. Nakakahiya talaga, sana lang hindi kami gaanong magkita sa school after nito. Naglinis lang ako saglit at nag-retouch bago ako naghintay sa kanya. Ilang babae na ang lumabas at pumasok sa loob pero hindi pa rin nakakabalik si Travis. Giniginaw na ako sa lamig ng pagkakabasa ng damit ko pero wala pa rin siya! Ilang saglit pa ay may kumatok na sa pinto. Nagmamadaling tinungo ko iyon at binuksan. Travis was there holding a paperbag. “Sorry, sarado na ang mga stores na malapit. Damit ko ito, is it okay with you?” he asked. Bumuntong-hininga ako saka tinanggap ang paperbag. “Sige, ayos lang.” Kaysa naman wala at umuwi ako nang ganito. Sinuot ko ang kulay puti niyang t-shirt niya na hanggang tuhod ang laki sa akin. Halatang mamahalin ito lalo na at may nakaburdang tatak ng isang mamahaling brand sa may bandang kaliwang dibdib. Lumabas ako nang matapos magbihis, naroon si Travis habang nakikipag-usap sa kanyang cellphone. “Yes, I'll be there tomorrow morning, don't worry…” aniya sa kausap. Nang mapansin ako ay kaagad siyang nagpaalam sa kausap. He turned his attention to me after he slid his phone into his pocket. “Masyado yatang malaki,” aniya. “Okay lang kaysa wala, salamat pala. Ibabalik ko na lang pagkatapos kong labhan.” He nodded. “Anytime, balik na tayo.” "Teka!” Hinawakan ko ang laylayan ng suot niyang t-shirt bago siya makalayo. "Hmm?” he asked after turning his head to me. “Paano ka nakakuha ng damit mo?” Nagkibit-balikat siya. “Malapit lang dito ang bahay namin, sumaglit ako.” Umawang ang labi ko bago marahang tumango. Tuluyan na nga kaming bumalik sa loob ng videoke room. Nag-aalangan pa nga akong bumalik dahil baka mapansin nila ang suot ko pero pagbalik namin ay puro mga bangag na ang mga kasamahan namin kaya hindi na napansin. Natapos ang party ni Davie na puro lasing na ang lahat. “Mga mahihinang nilalang!” bulalas ni Davie sabay tawa. Nakaakbay siya kay Travis na ngayon ay inaalalayan siya palabas ng videoke bar. “Birthday boy, tama na. Lasing na lasing ka na, oh!” ani Travis. Davie is taller than him at nahihirapan siya habang inaalalayan ito kaya naman nakaalalay din ako sa kabilang gilid ni Davie. “Hoy! That's my boyfriend!” rinig kong lasing na tawag naman ni Anya. “Anya baby! Halika rito!” Inalis ni Davie ang pagkakaakbay kay Travis na siyang dahilan ng halos pagtumba niya. “Oh no, baby!” bulalas ni Anya. “Nasaan si Phil at Milly?! Nasaan sila?!” si Zack na halos magwala na pagkalabas ng videoke bar. “Mga gago sila! Sa harap ko pa talaga naglandian!” “Bakit naman gano'n ang mundo? Gusto ko rin ng love life! Gusto ko rin!” si Kate na ngayon ay susuray-suray na. Nalilito na kami ni Travis kung sino ang uunahin sa kanila. Paglabas namin ng bar ay agad kaming nagpara ng taxi para pasakayin si Davie at ang girlfriend nitong si Anya. Mabuti at alam namin ang address niya. Habang si Zack naman ay ihahatid na lang daw si Kate. “Nakita n’yo ba si Milly?” tanong nito sa nag-aalalang tono. “Hindi, baka kasama na ni Phil,” sagot ko. Hindi kumibo si Zack, imbes na sagutin ay nagpaalam na ito habang karga si Kate mula sa likuran. Naiwan kami ni Travis na nakatayo sa tapat ng videoke bar. I sighed. Sa wakas ay natapos na rin ang kalbaryo! “Zack likes Milly, right?” “Halata naman, torpe kasi kapag hindi lasing,” sagot ko sabay tawa. Travis chuckled. Dumukot ito sa bulsa ng suot niyang pantalon saka naglabas ng isang kahon ng mint flavor na sigarilyo. “Do you want a smoke?” he offered. Mabilis naman akong umiling. “Hindi ako naninigarilyo…” Umawang ang labi niya bago tumango. “Okay, tatapusin ko lang 'to tapos ihahatid kita sa inyo.” “Huh? Hala! Hindi na, kaya ko naman nang umuwi mag-isa!” Umiling kaagad ako. “No, I won't let you go home alone. Alas-onse na ng gabi, delikado ang maglakad pauwi na walang kasama.” Again, wala akong nagawa kundi sundin na lang kung ano ang gusto niya. Lumipat kami sa may iskinita sa may gilid ng videoke bar. He started smoking while looking at the calm night sky. Hindi ako nagsasalita habang hinihintay siyang matapos. Ewan ko ba, I hate men who smokes pero bakit siya, ang gwapong tingnan? Dahil lang ba 'to sa lasing kaya nag-iinit ang mukha ko sa tuwing dadampi ang dulo ng sigarilyo sa kanyang labi at dadaan doon ang usok? I gulped then turned my attention to my feet. Gusto ko nang umuwi, ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Ayaw ko na nagkakaroon ako ng kakaibang pakiramdam para sa isang lalaki kung mas hihigit pa iyon bilang magkaibigan. “Have you ever had a fling with someone?” he asked. Nagulat ako sa biglaang tanong niya. I looked up at him na ngayon ay nakatingin na rin sa akin. Tapos na siyang manigarilyo. “Wala, bakit mo naman natanong?” Namungay ang mga mata niya, ilang segundong napatitig sa akin bago umiling. “Wala naman, I was just curious. You look innocent.” Napangisi ako sa huling salitang sinabi niya. Gusto ko sana siyang sagutin. Yes, I was innocent. Noong hindi ko pa nakikilala si Mike, noong hindi ko pa ibinigay sa kanya ang lahat kasi akala ko kami na talaga habambuhay. But I guess ganito na talaga sa panahon ngayon. s*x is easy, virginity is not that important now. Afterall, hindi naman ako nagsisisi na siya ang una ko. Minahal ko siya ng sobra at willing kong ibinigay iyon sa kanya. “Hatid na kita?” paanyaya niya. Tumango ako at sabay na kaming lumabas ng eskinita. Sumakay kami ng jeep para mas makatipid kaysa mag-taxi. Ilang minuto lang naman ang layo ng amin sa may videoke bar na pinag-party-han. “Huwag mo na akong ihatid hanggang dito na lang,” sabi ko. “Baka kasi makita tayo nila Mama.” “Hmm… sigurado kang dito ka nakatira?” takang tanong niya. “Oo, bakit?” He smiled widely and then looked at me. Iyong tingin niya ay para bang nagsasabing wala na akong takas sa kanya! Hindi ko alam pero… “I guess we’ll see each other more often,” he smirked. “Huh?” “You can go in now, uuwi na ako. Good night!” paalam niya. Noong una ay hindi ko na-gets ang sinabi niya, ngunit sa sumunod na mga araw alam ko na kung ano ang tinutukoy niya. Dahil sa subdivision kung saan ako nakatira, ilang bahay lang ang pagitan sa amin ay may bagong tayong bahay. There I saw him smiling and waving at me that morning. What the f**k, I'm sure this will be my end!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD