CHAPTER 17: NAGING MADALAS NA magkasama kami ni Travis, dahilan para maghinala na nga ang iba pa naming mga kaibigan na mayroon nga talagang namamagitan sa aming dalawa. Wala naman talaga. Madalas lang kaming magkasama dahil nitong mga nakaraan ay pare-pareho silang busy. Si Zack ay busy sa theater club na siya ang director— gaganapin next month ang act nila kaya hindi siya masyadong makasama sa amin. Si Milly naman ay abala sa pagtulong sa sinimulang business ng Mommy niya— nagtayo na ito ng shop para hindi na lang online. Habang si Kate ay nagkaroon ng boyfriend na palagi niyang kasama. Kaming tatlo lang nina Travis at Davie ang madalas na nagkakasama. Si Davie na walang ginawa kundi ang mambabae matapos nilang maghiwalay ni Anya. “Uuwi na ba tayo?” tanong ni Travis habang nakabusango

