CHAPTER 44: HINDI NAKAIMIK SI Travis sa sinabi ko. Hindi ko na lang din inaasahan ang isasagot niya dahil ano pa nga ba ang aasahan ko? Hindi naman siya marunong magseryoso pagdating sa isang relasyon. Tuluyan kong pinaandar ang kotse nang mag-go na ang stoplight. Naging tahimik na kami after kong masagot ang tanong niya. I guess he realized that what he asked me was wrong. Palapit na kami sa condominium kung saan ako nakatira, saka ko pa lang na-realize na hindi pa rin siya bumbaba lalo pa’t hindi ko rin alam kung saan siya nakatira ngayon. I stopped my car inside the parking area. Saka ko lang siya nilingon. “Saan ba ang bahay mo? I’ll drive you,” suhestiyon ko. Ilang saglit siyang nakatitig pa rin sa daan bago kinagat ang pang-ibabang labi at nilingon ako. “Do you know why I don’

