CHAPTER 43: KAGAYA NG MGA nauna kong tanong sa mga naunang couple ay ganoon din ang naging tanong ko kay Lola Beth at Lolo Carding. “Inis na inis ako kay Carding noong unang beses kaming nagkita. Paano ba naman kasi ay mahilig siyang mang-asar. Kahit saan kami makarating, parati niya akong inaasar. Ayun at nang sabihan ko siyang bakla, hinalikan ako. Nang halikan ako, nalaman ng mga magulang ko at pilit kaming ipinakasal,” sagot ni Lola Beth. “Wala naman akong gusto kay Beth noong ikasal kami nang maaga. Ang totoo’y kinatutuwaan ko lamang siya kaya madalas ko siyang binibiro. Noong ikasal kami’y pareho lang kaming napipilitan,” si Lolo Carding naman ang sumagot. “Kaya lang e noong nagsasama na kami, nahulog ako sa angking katapangan niya. Madalas kaming nag-aaway pero iyon din ang nagi

