CHAPTER 21: SECRET NGA ANG fling relationship namin ni Travis pero kahit secret, pinaparamdam naman niya sa mga kasama namin na may something sa aming dalawa. Paano ba naman kasi, panay ang dikit niya sa akin at ako rin ang madalas niyang pinag-didiskitahan. “Ahh! Zack naman!” reklamo ni Milly nang sabuyan siya ni Zack ng buhangin. Napuno tuloy siya ng buhangin sa dibdib habang si Zack ay natatawa. “‘Di ba sabi ko sa ‘yong huwag kang magsusuot ng ganyan? Edi takpan natin ng buhangin!” “Eh! Zack naman e!” Knowing Milly, gumanti ito at sinabuyan din ng buhangin si Zack. Tumatawa na lang ako habang nanunuod sa kanilang dalawa. Abala naman si Kate, Travis at Davie sa pag-iihaw ng bangus, karne at ng iba pang kakainin namin para sa hapunan. Habang tumatawa, napansin kong may naupo sa tab

