CHAPTER 20: OUR RELATIONSHIP WENT well for three weeks now. Wala kaming boyfriend-girlfriend label which is very convenient dahil hindi namin kailangang maging mahigpit sa isa’t isa. Our relationship is purely lust and we are both adult. Gusto ko lang namang mawala iyong pananabik ko pagdating sa kanya. And I guess this will last for about one more week. Hindi pwedeng magtagal kami sa ganitong sitwasyon because I might fall for him. “Nakakasawa naman mag-swimming sa pool n’yo, Travis. Bakit hindi kaya tayo mag-beach? Summer na, mag-flex naman tayo ng picture sa SocMed!” suhestiyon ni Kate. Mainit ang panahon ay nagpaplano kaming mag-swimming sa pool nila Travis. Nag-group call kami para mapag-usapan ang tungkol doon ngunit umapela itong si Kate. “Ay bet ko ‘yan! Masayang mag-swimming n

