CHAPTER 15: PAGKA-UWI KO PA lamang sa bahay, wala na akong sinayang na oras. Kaagad kong tinawagan ang numerong ipinang-text sa akin ni Mike kagabi. “H-hello?” Kabado pa ako nang sumagot siya. “Rory?” At mas lalo akong kinabahan nang marinig ang boses na sumagot mula sa kabilang linya. Hindi ito si Mike. At bakit ko nga ba in-expect na si Mike ang sasagot sa tawag ko kung alam ko namang nagpapahinga pa siya? “Why are you calling my son?” “Kukumustahin ko lang po si Mike…” “Huwag mo na siyang kumustahin! Dahil sa ‘yo kaya ginawa ni Mike ito sa sarili niya. You are making him insane! Ano bang pinakain mo sa anak ko? Kahit magkano, ibibigay ko sa ‘yo tigilan mo lang ang anak ko–” Hindi ko na kinaya ang mga sinasabi niya. Mabilis kong pinatay ang tawag kasunod ng mabilis na pag-agos ng

