CHAPTER 55: IMBES NA AKO ang maghatid kina Kate at Milly, ako tuloy ang hinatid nila dahil hindi matapos-tapos ang pag-iyak ko. Nang makarating kami sa bahay ko, hindi na rin nila ako nasamahan dahil tinawagan si Kate ng asawa niya habang si Milly naman, kinailangang umuwi dahil naroon daw ang mother-in-law niya. Wala akong nagawa kundi ang umiyak nang mag-isa… Mabuti na lang at naibuhos ko na ang mga luha ko kanina. Tulala na lamang ako habang nanunuod ng T.V. Binuksan ko iyon dahil pakiramdam ko ay mas lalo akong lalamunin ng lungkot kung wala akong naririnig na kahit ano sa loob ng bahay ko. Ilang beses na akong bumuntong-hininga bago ako tumayo at nagdesisyong hindi hayaan ang sarili kong magmukmok. Binuksan ko ang DVD player at speaker saka nagpatugtog ng pang-party na music. I sh

