TAHIMIK na kumakain si Nicolo at Haze habang nasa isang restaurant sila. Parehong inoobserbahan ang kinikilos ng bawat isa. They were both thinking about what had happened this morning.
Nicolo was bothered and guilty. Gusto niyang umamin sa dalaga na nagkatabi silang natulog sa kama pero iniisip naman niya na baka magalit si Haze sa kaniya lalo na at dumidistansiya ito sa mga lalaki. Baka iba ang isipin ni Haze tungkol sa kaniya kapag sinabi niya. 
Habang si Haze naman ay kabaliktaran ng iniisip ni Nicolo. Pinagdarasal niya na sana huwag sabihin ni Nicolo na nagkatabi silang natulog sa kama. That would be awkward especially for her. 
“Haze.”
“Nic.”
Natawa sila pareho dahil sabay pa silang nagsalita. 
Haze smiled. “Ikaw na muna.” Sabi niya kay Nicolo.
Nicolo smiled. “You go first.”
Bumuka ang bibig ni Haze pero walang salita na lumabas mula sa kaniyang bibig. Umiling siya. “Nakalimutan ko na pala.” Nakagat niya ang kaniyang pang-ibabang labi saka nagtanong. “Ano nga palang sasabihin mo?”
“Today is the last day.  We’ll meet our clients later.”
Tumango si Haze. “Finally. Makakarelax na rin tayo.” Aniya saka uminom ng tubig. Napatingin siya sa labas ng restaurant. Salamin ang dingding ng restaurant. Napangiti siya nang makita ang parke na malapit sa restaurant. 
“Why are you smiling?” tanong ni Nicolo.
Haze gestured her head to the park. Napatingin naman doon si Nicolo. “A park?”
Haze nodded. “Noong bata pa ako at buhay pa si Nanay, dinadala niya ako sa parke tuwing wala siyang trabaho. Then she would buy me a slice cake or ice cream.” Aniya sa malungkot na tono.
Ramdam ni Nicolo ang lungkot sa tono ng boses ni Haze. He was to hold Haze hand to comfort her but he stopped himself. He doesn’t want Haze to feel uncomfortable. At baka iba pa ang isipin nito. 
After they eat breakfast, they went to meet their client. Buong araw ay ang mga kliyente ng kumpanya ang kausap nila. Of course, they would present their company’s objectives.
Isa sa mga kliyente nila ang nagandahan kay Haze at habang nagsasalita ang dalaga sa harapan, nakatitig ito kay Haze. 
Naningkit ang mata ni Nicolo nang mapansin niya ang kliyente nilang nakatitig kay Haze. Lalaki siya kaya alam niya ang galawan ng mga kauri niya. Tumikhim siya. “Excuse me, Mr. De Guzman. Please, pay attention to the presentation, not to the presenter.” Aniya saka ngumiti ng malamig.
Napatikhim naman si Mr. De Guzman dahil sa malamig na ngiti ni Nicolo. The smile that Nicolo showed him make him feel chill down his spine so he didn’t dare to look at Haze anymore.
Tumaas naman ang sulok ng labi ni Nicolo. 
After Haze's presentation, Haze sat down beside Nicolo. “Why are you frowning?” she asked in a low voice.
"A dog was staring at you.”
“Dog?” Tumingin naman si Haze sa loob ng meeting room. “Nasaan ang aso?”
Mahinang kinatok ni Nicolo ang nuo ni Haze. “I’m not referring to a real dog.” Aniya saka tumayo. “Mr. De Guzman, we’re done. Of course, you have the call if you want to sign a new contract with us.”
Mr. De Guzman glanced at Haze. “Well, Miss Manzano, do you have anything to offer for us to sign a new contract with your company again? Narinig ko na isa ito sa malaking deal na maipapasok niyo sa Romero’s Company kung sakali man.”
Haze nodded. “As for this deal,” iminuwestra niya ang kamay kay Nicolo, “you have to talk with Mr. Parisi. Our CEO appointed him to make this deal.”
“And how about you?” Mr. De Guzman.
Ngumiti ng peke si Haze. “I’m just a presenter, Mr. De Guzman. Mr. Parisi has the call.” Aniya. Hindi nawala ang pekeng ngiti sa labi niya.
Lihim na napangiti si Nicolo. Looks like she also noticed the way that Mr. De Guzman looked at her. Good girl. 
“Alright. I’ll sign a new contract with your company,” said Mr. De Guzman. Then he immediately signed the prepared contract.
“Thanks, Mr. De Guzman.” Ani Nicolo. Kinuha niya ang napirmahang kontrata saka ibinigay kay Haze.
“By the way, Mr. Parisi, my company has a party later. You can join us.” Mr. De Guzman invited.
Umiling si Nicolo. “I appreciate the invitation but I apologize, Mr. De Guzman. We couldn’t attend it because, after this, we will go back and report to our company.”
Ngumiti si Mr. De Guzman saka tumango na lamang.
Umalis na si Nicolo at Haze pagkatapos. 
“Uuwi na ba agad tayo?” tanong ni Haze kay Nicolo habang naglalakad sila pabalik sa hotel.
Umiling si Nicolo. “No. I lied.”
“Bakit naman?” tanong ni Haze.
“Do you want to go?” Nicolo asked back.
“No.” Pag-iling ni Haze. “I don’t like the way he looked at me earlier.”
“So, you noticed?”
“Oo naman. Alam ko kung may masamang balak sa akin ang isang lalaki. Malalaman ko sa tingin pa lamang.” Sabi ni Haze.
Biglang tumigil si Nicolo sa paglalakad saka tumingin ng deretso sa mata ni Haze. “Then can you tell me what you have saw in my eyes?”
Haze froze. “A-anong ibig mong sabihin?” tanong niya ng may pagtataka.
Ngumiti si Nicolo. “Tell me. What do you see?” he asked while still looking into Haze’s eyes.
Haze met Nicolo’s eyes. Wala siyang ibang nakikita sa mata ni Nicolo kundi ang imahe niya. Tumikhim siya saka nag-iwas ng tingin. “Don’t tease me.” Aniya saka bahagyang tinulak si Nicolo. Nauna na siyang naglakad.
Natawa na lang ng mahina si Nicolo saka sumunod sa dalaga. 
Nakarating sila sa isang park.
“Wait for me.” Sabi ni Nicolo saka iniwan saglit si Haze sa parke. Pumunta siya sa pinakamalapit na coffee shop saka bumili ng kape at croissants. 
Pagbalik niya sa parke, tinignan niya si Haze. Napatigil siya nang makita niyang nakapikit ito. He walked towards Haze without any sound of his footstep. He stared at her. Ang amo ng mukha ni Haze. She looked so peaceful.
“Haze.”
Nagmulat ng mata si Haze saka napatingin kay Nicolo.
“Here.” Inabutan ni Nicolo ng kape si Haze saka siya umupo sa tabi nito. 
“Bumili ka?” she asked the obvious.
“No. I went to ask for it.” Nicolo rolled his eyes. 
At namilosopo pa. Haze pouted. Kumuha siya ng croissants sa hawak ni Nicolo na paper bag. Kumain siya habang napapatingin sa mga taong dumadaan. 
“What do you want to do tomorrow?” Nicolo asked and sipped his coffee.
Nagkibit ng balikat si Haze. “Depende kung ano ang maisipan ko.” Sagot niya. Isinubo niya ang huling bahagi ng hawak na croissant. Sunod niyang ibinaba ang hawak na kape sa kaniyang tabi at inilabas ang kaniyang cellphone.
She searched for the tourist attraction in Tagaytay. Well, first time naman niya rito kaya hindi niya rin alam. After searching for nearly a minute, she said, “One of the famous attractions here is the Taal Volcano. But I don’t want to go. Baka biglang pumutok.” She joked.
Natawa si Nicolo saka napailing. “Choose another tourist attraction.” Sabi niya saka inubos ang hawak na kape.
“Bahala na bukas.” Sabi ni Haze. Kapagkuwan napatingin siya sa kalangitan. “Mukhang uulan yata.” Aniya nang makitang dumidilim na ang kalangitan.
“Let’s go.” Kinuha ni Nicolo ang bag ni Haze at inilagay ito sa kaniyang balikat.
“My bag…”
“Let me carry it. Let’s go.”
Bumalik sila sa hotel. Eksaktong nakabalik sila sa hotel nang umulan ng malakas.
“Mabuti na lang nakabalik tayo bago umulan.”
Nicolo looked outside. “It’s raining heavily,” he said.
Pumunta sila sa kani-kanilang kwarto. Haze took a shower and after showering, she wore a plain shirt and pajama. She took her cellphone and went to Nicolo’s room. Kumatok siya pero walang nagbukas ng pinto kaya naman sinubukan niyang buksan. And it wasn’t locked.
Kusang gumuhit ang ngiti sa labi ni Haze saka itinulak ang pinto pabukas. She closed the door after she entered.
“Nicolo?”
“Nic?”
Kumunot ang nuo ni Haze. “Nasaan naman kaya ang lokong ‘yon?” tanong niya sa sarili. Kapagkuwan nadaanan niya ang pinto ng kwarto ni Nicolo kaya kumatok siya doon.
“Nic, I’ll order dinner. What do you want?” 
Walang sumagot pero bumukas ang pinto. 
Literal na natigilan si Haze nang makita niya ang hitsura ni Nicolo. Nakatapis lang ito ng tuwalya at tumutulo pa ang tubig sa katawan ni Nicolo. And Nicolo looked sexy while the water was cascading on his body. 
Haze saw Nicolo’s abdominal muscles. Nicolo had a good physique. He has a muscular body and broad shoulder. Alam niyang maganda ang katawan ni Nicolo pero ito ang unang beses na nakita ang binata sa ganitong hitsura.
Ngumisi si Nicolo nang mapansin napatitig si Haze sa katawan. “Enjoying the view, Miss Manzano?” he teased.
Natauhan naman si Haze saka mabilis na tumalikod. Natakpan niya ang mukha. “Sorry. I was just asking what do you want for dinner?”
Ngumiti si Nicolo saka naglakad palapit kay Haze. Inilapit niya ang bibig sa tainga nito. “I’m not picky. Order anything you like.”
Haze nodded and without looking back, she hurriedly left Nicolo’s room. Tumakbo siya patungo sa kaniyang kwarto. At nang maisara niya ang pinto, ramdam niya ang mabilis na pagtibok ng kaniyang puso at pag-iinit ng kaniyang mukha. Natakpan ni Haze ang sariling mukha. She was embarrassed to face Nicolo again. Lalo na at parang sirang plaka na pabalik-balik ang hitsura ni Nicolo sa kaniyang isipan. 
“Haze, focused.” Aniya sa sarili. Kapagkuwan napatingin siya sa kaniyang cellphone nang tumunog ito.
‘Don’t feel embarrassed.’ Nicolo texted her.
Mas lalong natakpan ni Haze ang mukha. “Parang ayaw ko na siyang harapin.” Aniya saka nag-order ng pagkain nilang dalawa pero pinaghiwalay niya dahil ayaw niya na munang makita ni Nicolo. Talagang nahihiya siyang harapin ito. Nicolo would only tease her.