CHAPTER 22

1486 Words
PAGOD NA IBINAGSAK ni Haze ang katawan sa may sofa nang makapasok siya sa kaniyang kwarto sa hotel na tinutuluyan nila ni Nicolo. Ramdam niya ang pagod dahil sa maghapong pakikipag-usap sa mga kliyente nila. Halos tatlong araw na sila ni Nicolo na nakikipag-usap sa mga kliyente ng kumpanya. They negotiated with the new and existing contracts of the clients to their company. They also have acquired new clients. “Tired?” Nicolo asked. Tumango si Haze. “Ang sakit na rin ng paa ko.” Aniya saka tinanggal ang suot na salamin at inilapag ito sa center table. Umupo naman si Nicolo sa tabi ni Haze saka kinuha ang dalawang paa nito at ipinatong sa hita niya. “What are you doing?” nabiglang tanong ni Haze. “I’ll massage your feet,” sabi ni Nicolo na parang normal lang na gawain niya ‘yon. Bahagyang lumaki ang mata ni Haze saka ibababa niya sana ang paa niya na nakalagay sa hita ni Nicolo pero tinignan siya ng binata. Iyong tipo ng tingin na parang nagbabanta kaya naman hindi na niya itinuloy. Nicolo smiled. “Good.” Then he started to press Haze’s legs. “Your leg was a bit stiff. I’ll press it and you’ll feel better.” Tumango si Haze. “Salamat.” Napangiwi si Haze nang pisilin ni Nicolo ang paa niya dahil masakit ito. “Bear with it. It will be fine later.” Haze nodded. Napatitig siya kay Nicolo. Siguradong maswerte ang magiging asawa nito. She could see that Nicolo was caring and gentleman. But thinking that Nicolo will care for another woman in the future, makes her mood sour. “What happened to you? Why is your face like that?” Nicolo asked. Umiling si Haze. “Nicolo, I have a question.” “Hmm?” Nicolo hummed while his attention was focused on massaging Haze’s feet. “Do you like someone?” tanong ni Haze. She wanted to know. Para alam niya kung saan siya lulugar. Nararamdaman niya kasi na may iba na siyang nararamdaman para kay Nicolo. “Yeah, I like someone.” Parang tinusok ng karayom ang puso ni Haze dahil sa narinig na sagot ng binata. Kapagkuwan natahimik silang dalawa ng mga ilang minuto. Until Haze built up her courage. She was about to ask who was the lucky girl but her phone rang. Unbeknownst to Haze, Nicolo was waiting for Haze to ask who the girl he liked was. He would answer her directly. But Haze didn’t ask and thought this was not the right time yet. Baka mabigla niya ang dalaga kung sakali man na mag-confess siya ngayon. Napabuntong hininga na lamang si Haze nang makita niya kung sino ang tumatawag. Nagdalawang-isip pa siya kung sasagutin ba niya ang tawag o hindi pero sa huli, sinagot niya pa rin ito. “Nasaan ka?!” Pasigaw na tanong ng kaniyang Tiya Lucia. Hindi man lang muna siya nito pinaunang magsalita. “Kailangan ko ng pera.” Haze could only sigh. Tumingin siya kay Nicolo saka sinenyasan ito na. Nicolo stopped massaging Haze’s feet. Ibinaba naman ni Haze ang paa saka umalis ng salas. Pumunta siya ng kusina saka kinausap ang kaniyang Tiya Lucia. Nicolo was curious about the person who called Haze. The call was not in a loudspeaker earlier but since the room was quiet, he heard the loud voice from the other line. Sinundan niya si Haze sa may kusina pero hindi siya pumasok. Nanatili lamang siya sa may pintuan. Sa pwesto na hindi siya nakikita ni Haze. “Tiya, wala ako diyan sa Maynila.” Wika ni Haze. “At wala po akong pera. Marami na po akong naibigay sa inyo. Kabibigay ko lang po ng dalawampung libo sa inyo noong nakaraang linggo. Wala na po akong naiipon.” “Aba! Sumasagot ka pa. Wala akong pakialam kung wala kang naiipon. Basta padalhan mo ako ng pera. Wala akong pakialam kung saang lupalop ka ng mundo naroon!” Utos ng tiya ni Haze sa pagalit na tono. Haze took a deep breath. “Wala na po akong maibibigay pa sa inyo.” Aniya. “Wala ka talagang utang na loob! Wala kang silbi! Pareho lang kayo ng nanay mo!” Galit na saad ni Tiya Lucia. Humigpit ang pagkakahawak ni Haze sa cellphone. “Huwag niyo pong idamay ang nanay ko!” Lumakas ang boses niya. “Walang ginawa sa inyo si Nanay!” Napasilip si Nicolo kay Haze nang marinig niya ang pagtaas ng boses nito. He could sense the pain in Haze’s voice. Napatigil siya nang makita niya ang pagtulo ng luha ni Haze. He felt like someone gripped his heart seeing Haze in tears. Haze ended the call. Unti-unti siyang napaupo sa semento at umiyak. She could accept all the insult but she couldn’t accept if someone insulted her mother. Her mother was the only person who truly cared for her. Walang pakialam sa kanila noon ang mga kamag-anak ng kaniyang ina. Haze froze when she felt someone gently patted her head. Nag-angat siya ng tingin at ang mukha ni Nicolo ang bumungad sa kaniya. “Stop crying…” pagpapatahan sa kaniya ni Nicolo. Gamit ang palad nito, pinunasan nito ang luha sa kaniyang pisngi. Pero tuloy-tuloy lamang ang pagtulo ng luha ni Haze. Kapagkuwan yumakap si Haze kay Nicolo. Sa pagkakataon na ‘yon, wala na siyang ibang inisip kundi ang kapanatagan ng kaniyang loob at alam niyang kay Nicolo lamang niya ‘yon mararamdaman. Hinagod ni Nicolo ang likod ni Haze. “I’m just here.” Humikbi si Haze at humigpit ang yakap kay Nicolo. Nanatili sila ng ganoong posisyon hanggang sa makatulog si Haze. Nicolo could only smile and shook his head seeing Haze fell asleep in his arms. Maingat niyang pinangko ang dalaga para hindi ito magising saka niya ito dinala sa kama. Dahan-dahan niyang hiniga si Haze sa kama nito saka kinumutan. Umupo siya sa gilid ng kama saka pinagkatitigan si Haze. He wiped the tears in her cheeks. “Haze, we’ve been friends for almost a month. And yet you never open up to me.” Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha nito. “You can trust me, you know. Don’t worry, as long as you want me by your side, I will stay by your side. I’ll protect you and take care of you.” Tatayo na sana si Nicolo pero hinawakan ni Haze ang kamay niya. “Don’t leave…” Napatingin si Nicolo kay Haze. “Haze?” But Haze was asleep. Nicolo smiled and pulled the stool from the side of the bed. Umupo siya doon at tinitigan si Haze habang natutulog ito. “You know what? You looked like a baby. And as a baby, I will spoil you.” NANG magising si Haze kinabukasan, naramdaman niyang may nakapatong sa beywang niya at ramdam niyang parang may nakatabi sa kaniya. Nagmulat siya ng mata at ganun lamang ang panlalaki ng kaniyang mata nang makita si Nicolo na nakahiga sa tabi niya at nakapatong ang isang braso nito sa beywang niya. Haze was shocked that she couldn’t move. She didn’t know what to do. Ang bilis ng t***k ng puso niya at nakatitig na lamang siya kay Nicolo. What happened? Why are we in the same bed? Did something happen? Sa naisip ni Haze, mabilis niyang tinignan ang sarili at nakahinga ng maluwang nang makitang nakadamit siya. She looked at Nicolo again. She was expecting herself to cower in fear but she didn’t feel anything. She didn’t feel afraid or what except that her heart was beating so fast. “Hmm…” Haze quickly closed her eyes when Nicolo was about to wake up. Nicolo opened his eyes and saw Haze still peacefully sleeping beside him. Nakahinga siya ng maluwang dahil mas nauna siyang nagising kaysa kay Haze. Sigurado kasi siya na magagalit sa kaniya si Haze kapag nalaman nito na magkatabi silang natulog. He didn’t take advantage of her. Haze just wouldn’t let go of his hand last night. Dahan-dahan niyang tinanggal ang braso niya na nakapatong sa beywang ni Haze. He looked at her. Then he kissed Haze on her forehead. Unbeknownst to Nicolo, Haze was already awake. Tiniis ni Haze ang hindi gumalaw nang maramdaman niya ang paghalik ni Nicolo sa kaniyang nuo. Dahan-dahang bumaba ng kama si Nicolo saka walang ingay na lumabas ng kwarto. Nang marinig ni Haze na sumara ang pinto, doon lamang niya pinakawalan ang hininga na kanina pa niya pinipigilan. Kapagkuwan napahawak siya sa kaniyang nuo. Parang ramdam niya pa rin ang malambot na labi ni Nicolo sa nuo niya. Then a ridiculous question came to Haze’s mind. Para kasi sa kaniya. May ibig sabihin ang paghalik ng isang lalaki sa nuo ng isang babae. “Does he like me?” But he told me that he already liked someone. And how lucky that someone was.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD