"Ano raw ba ang nangyari, honey? Aba'y ang anak nating babae ay mukhang hindi na malaman ang daan pabalik dito. Noong una ay nagpaiwan sa Africa sa kabila nang paghalik ng mga kasamahan dito sa London. Ngunit ngayon naman ay basta umuwi ng Pilipinas. Okay pa ba siya sa lagay na iyan?" patanong na pahayag ni Gracelyn sa asawa. "Ayon sa pamangkin kong si Allick Francisco ay mas mabuting si Faith na lamang saw ang ating tanungin dahil wala raw itong maipaliwanag dahil na rin tikom daw ang bibig niya hanggang sa nakarating sila ng bansa," pahayag ng Ginoo. "Huh! Mukhang iba na talaga ang idinulot ng pag-ibig sa anak natin. Uuwi ba tayo sa bansa, honey?" muli ay saad ng Ginang. Subalit umiling-iling ang Ginoo tanda lamang na salungat sa pahayag niya. "Hindi, honey. Tama anak natin siya pero

