"Thank you very much, Hijo. Would you mind if we will invite you inside?" saad ng may edad na ring si Mrs Sandoval. "Gustuhin ko man po, Lola, pero kaunting minuto na lamang po ay mayroon na po akong duty sa Camp Villamor. Ang babaeng iyan po kasi ay biglang nakaisip," tugon ni Allick Francisco saka itinuro ang pinsang hindi maikailang namamaga ang mga mata kahit pa malalim na ang tulog. "Kung hindi ako nagkakamali ay buntis ang pinsan mo, apo. Kaya't unawain mo na lang. Since that you are in hurry to go back in Baguio, take your time in coming back here on weekend with your family," muli ay wika ng butihing Ginang. "Sure po, Lola. Sige na po at ako ay magpapatuloy na po ako. Pakisabi na lamang po kay pinsan paggising niyang bumalik na po ako sa Baguio." Muli ay pamamaalam ni Allick Fra

