"Sorry po! Sorry po!" paulit-ulit na hingi ng paumanhin nina Juliana at Rose sa may-ari ng bahay na sumabog. "'Di po namin sinasadya!" Agad naman na naapula ang apoy dahil sa pagtutulungan ng mga kapitbahay at sa agarang pagresponde na rin ng mga bombero. At hindi naman natupok ang bahay, sa may bandang kusina lang. Ang malala ang sunog na natamo ay ang asawa ng may-ari ng bahay kaya galit na galit ito sa kanila. "Kapag may nangyaring masama sa asawa ko! Ipapakulong ko kayo sa kapabayaan niyo!" Nanlumo na lang sina Juliana at Rose na napa-upo sa gilid ng kalsada. Ano na ang susunod nilang gagawin? "Kung gusto niyo sa bahay muna namin kayo?" alok naman ng tulong sa kanila ni Arnold. Hindi sila umimik na magkaibigan. Hindi naman ang titirhan nila ang problema nila eh kundi ang sumpa! Si