PART 10

484 Words

Nagkatinginan muna sina Rose at Juliana bago lapitan ang babaeng nakaitim na belo. Sa likod nito sila umupo. Napansin kasi nilang parang nagdadasal ang babae kaya nahiya silang isturbohin agad ito. "Nasa'n ang diary? Hindi niyo iyon dapat iniiwanan kung saan-saan!" Napapitlag ang magkaibigan dahil hindi nila inasahan ang pagsasalita na iyon ng babae. Naramdaman agad siguro nito ang prisensya nilang dalawa. "Ang masasabi ko lang sa inyo ay magtulungan kayo para maputol niyo ang sumpa. Tatlo pa ang kailangan niyong kalabanin at maililigtas niyo na ang sarili niyo," wika pa ng babae na hindi lumilingon sa kanila. "Pero napakahirap pong kalabanin ang diary! Bigla na lang nagbabago ang nakasulat!" protesta ni Rose. "Magtiwala lang kayo sa isa't isa," anang babae. Naghawakan ng kamay sina

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD