"Juliana! Ano ba?!" marahas na hinablot ni Rose ang diary na tangan ni Juliana palabas. "Akin na 'yan Rose! Ibigay mo sa 'kin!" umiiyak na pilit binabawi ito ng dalaga, pero maagap si Rose. Kahit na anong bawi ni Juliana iyon ay nailalayo nito ang diary. Nasa labas na sila ng bahay, pasalamat nila at naabutan nila si Juliana, napigilan nila ito sa pinaplano nitong gawin sa diary. "Rose akin na 'yan! Hayaan mo na lang ako! Ayokong madamay ka! Pati na si Arnold!" "Juliana, una palang damay na ako rito kaya please kumalma ka lang! Magpakakatatag ka naman para sa'min ni Arnold!" pakiusap ni Rose. "Bakit pati ako damay?" takang tanong ni Arnold. Malamlam ang mga matang napatingin si Rose sa binata. "Dahil damay ka na sumpa Arnold. Hindi ko alam bakit nangyari 'to! Ang alam ko lang ay sigu