Wang wang ng police car ang unang umalingawngaw sa buong paligid. Nahuli agad ng mga pulis ang pulis na lasing na nagwawala. Buti na lang at naisipan ni Arnold na tumawag sa 911. Lumabas agad sina Arnold at Juliana sa pinagtataguan nang mapagtanto nilang ligtas na sila. Si Juliana ang agad na tumakbo sa kinaroroonan ni Rose at si Arnold naman ang humingi ng tulong sa mga pulis. "Mamang pulis tulungan niyo 'yung kaibigan namin! Tinamaan siya ng ligaw na bala!" paghingi ng saklolo ni Arnold. At wang wang na nga ng ambulansya ang sunod na narinig sa buong paligid. "Kumusta na si Rose?" agad na tanong ni Juliana kay Arnold nang umupo ito sa tabi nito. Narito na sila ngayon sa ospital at si Arnold ang nag-asikaso kay Rose dahil parang hindi makakilos at makapag-isip na ng tama si Juliana.