Isang malakas na banggaan ng pader at malaking sasakyan ang bumulabog sa buong ospital. At halos mapasubsob sa sahig si Arnold sa lakas ng impact ng banggaan. Hinawakan nito ang ulo para protektahan ito sa mga ano mang magbabagsakang mga semento at mga guguhong mga pader kung sakali. Pagkatapos ay mga taong nagsisilabasan na ang sumunod na eksena. Unahan! Tulakan! At hiyawan ang mga halu-halong mga pasyente, nurse at doktor palabas ng ospital. Pinilit ni Arnold na makatayo agad. Butlig-butlig ang pawis nitong tinakbo ang kwarto kung nasan sina Rose at Juliana. Ngunit yuping ulo ng bus at duguang driver ang nabungaran nito room. Sh*t! Hindi na nito makita ang kabuoan ng kwartong iniwanan nito kanina lang. At ang dalawang dalaga hindi nito rin makita! Jusko! "Tulong!" Ang naririnig ni A