Tulala si Juliana. Tahimik lamang ito sa pagluha. Habang hawak ni Rose ang isang kamay nito na nakaupo sa wheelchair. Madami na ang sumaklolo sa insedente. May mga pulis na nag-iimbestiga. Nailabas na rin silang magkaibigan. Inaantay na lamang nila ang pag-recover sa katawan ni Arnold. "Paano na tayo ngayon, Rose?" humihikbing ani Juliana. Hindi rin kasi nila alam kung nasaan na ang Diary. Tiningnan lang ito ni Rose. Ang totoo'y kanina pa niya pinag-iisipan ang lahat. "Kailangan makausap ulit natin 'yung babaeng nakabelong itim," aniya kay Juliana. "Pa'no? Saan? 'Di ba nga't bigla na lang siyang naglaho noon sa simbahan?" "'Yun na nga. Subukan ulit natin sa simbahan." Bahagyang tumango lang si Juliana. Naagaw na kasi ang pansin nila sa entrance ng ospital. Isang bangkay ulit na naku