"Ba't ang tagal naman yata ni Issay sa banyo?" Nagtatakang tanong ni Louie nang mapansin na hindi pa rin bumabalik si Elyssa matapos ang halos kinse minuto. Napahinto sa paglalambingan sina Marra at Minho saka sabay na lumingon sa kanya nang magtanong siya. "Wait! Where is she? Bakit hindi pa bumabalik ang babaing ‘yon?" may kaba sa boses ni Marra. Mabilis itong tumayo. “Susundan ko siya." Tumango si Louie bilang pagsang-ayon pero nag-uumpisa na siyang kabahan at hindi mapakali. Alam niya kasin na may maaaring mangyaring masama kay Elyssa. Ilang minuto lang ang nakalipas ay humahangos na bumalik si Marra. Namumutla ang pawisan nitong mukha. Bahagyang nanginginig ang katawan nito sa takot. Bukod sa kaniya ay alam din ni Minho na narito si Tracy at may masamang binabalak kay Elyssa. Pe