Matapos magpaalam ay sandaling iniwan ni Louie si Elyssa para kuhaan ito ng pagkain. Boffet style ang party kaya isa-isang kumukuha ng pagkain ang mga guest. Eto ay para maiwasan ang pagsasayang ng pagkain. Habang ang mga waiter at waitress ay abala naman sa pagseserve ng alak at kung anuman ang importanteng kailangan ng bisita. Panay ang linga ng binata sa nobya dahil alam niyang naaasiwa ito. Lihim siyang napangiti nang lingunin ito habang nakaupo itong mag-sa sa mesa nila at halos mabale-bali ang leeg sa kakatingin sa palibot. "You’re so beautiful, honey." Sumupil ang ngiti sa labi niya saka muling ibinalik ang atensyon sa pagkuha ng pagkain. May waiter na nagse-serve and he only pointed to the food that he knew Elyysa would like. Hindi niya pinansin ang mga taong nais na kumausap sa k