Malawak ang ngiti ni Elyssa habang naglalakad pabalik sa kinaroroonan nina Louie. The scene where she was happily chatting with Tita Beatrice was playing in her mind. Ganito pala ang pakiramdam na maasikaso ng isang ina. How I wish I had a mother like that. “Alam kong galit siya sa akin dahil sa pang-iiwan ko sa kanila–” Elyssa felt her mind was bombarded and she staggered to keep herself still. Nanikip ang dibdib niya at hindi makahinga dahil biglang nanalaytay ang galit sa kalamnan niya. Hindi siya agad makapagsalita. Walang kaalam-alam ang tatlo na nakikinig siya sa pinag-uusapan ng mga ito. Nakikinig sa mga katotohanang kailanman ay hindi niya naisip na mangyayari. Mabibigat ang hakbang na lumapit siya sa mga ito habang unti-unting binabalot ng luha ang mukha. "Mabuti naman at al